Monday, September 15, 2014

Pighati ni Guiller

     


     Isang perpektong araw, makulay ang lahat ng tanawin, maligalig ang mga bagay at mabilis na tibok ng puso. Ganito pala ang pakiramdam pang nandun ka na mismo sa araw ng kasal mo masaya at nakakakaba pero sulit ang paghihintay. Ngunit di lahat ay ganoon ang nararamdaman sa araw ng kasal mo.


     Isang gabing malagim, akala ko tapos na ang lahat, isang lalaking nakamaskara, putok ng baril yan ang lahat ng naalala ko noong gabing iyon. Akala ko katapusan ko na kaso, sumablay ang bala ng lalaking nakamaskara dahil bago malagutan ng hininga ang asawa ko ay naitulak pa niya ako bago ang huling putok ng baril. Nakatakas ang lalaki at ako nagising na lang ako sa isang kwartong punong puno ng ilaw.


     Mabagal na usad ng kaso, sakim na gobyerno, bulok na sistema at ang pakiramdam na para bang wala nang mapapala ang sinapit namin ng pamilya ko. Namatay sa harap ko ang asawa ko, nawawala ang anak ko, di ko alam kung sino ang salarin pero may kutob na ako dahil sa lugar namin isa lang ang biglang naglaho. Ngunit di ko maisip kung ano ang nagawa ko sa kanya, marami akong naitulong sa kanya at ganoon rin sa akin pero bakit kaya? Maghihiganti ako, hahanapin ko siya at ako ang gagawa ng sarili kong hustisya.


     Lumipas ang taon, nagkaroon ng kapangyarihan, umapak ng madaming tao at naging patapon ng lipunan. Ganoon ang naging buhay ko sapagkat ginawa ko ang lahat para lamang umangat, magkaroon ng pera at kapangyarihan para mas madali kong mahanap ang taong sumira sa buhay ko.

     Pagbukas ng pinto, tama ng bakal sa balat at ang daing ng isang lalaki na lamang ang maririnig mo. Dahil sa wakas nakita ko na rin ang taong matagal ko ng hinahanap at wala na siyang magagawa kundi manigas dahil sa di nya inaasahang bisita. Tumayo pa ang lalaki aka'y aka'y ng kasama nya sa bahay pero wala na siyang magagawa dahil ang alam ko nasa akin ang huling halakhak.

     Bago matapos, isang tanong ang aking ibinato at isang di inaasahang sagot ang aking natanggap. End

P.S. Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang, ano man ang pagkakahawig o pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya. Hango ito sa aking ginawang script noong ako ay second year college, subalit iniba ko ang tema at hinati ko ito base sa kung paano ang kwento ng bawat kasapi ng istorya.

galing dito ang larawan

Monday, September 1, 2014

Nasaan ka Dario?

     


     Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya dali-dali akong bumaba para buksan ito. Pagbukas ko agad akong nakatikim ng suntok mula sa isang lalaki, at sa likod niya ay may isang pamilyar na mukha na inakala kong matagal nang nabura sa mundo.


     Ako nga pala si Dario pero di ako kilala sa pangalan ko dahil mas kilala ako sa tawag na maestro. Kaya naman ako tinawag na maestro dahil isa akong guro sa musika at kilalang-kilala ako sa larangan na iyon. Di ko na masyadong idedetalye ang aking sarili dahil ang nilalaman ng kwento ko ay ang nangyari noong gabi na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan.


     Isang tahimik na gabi, narinig ko mula sa labas ng isang bahay ang iyak ng isang sanggol. Lumapit ako sa pintuan ng nasabing bahay at napansin kong bukas ang kanilang pinto, pinasok ko ang bahay dahil sa kutob ko na may hindi magandang nangyayari sa loob dahil sigurado ako na di maaring iwan ng aking kaibigan at ang asawa nya ang kanilang pinto na nakabukas ng disoras ng gabi. Habang papanhik ako sa kung saan natutulog ang mag-asawa nakarinig ako ng putok, at dahil sa takot nagpasya na lang akong kunin ang umiiyak na sanggol. Pagkuha ko sa sanggol agad ko siyang itinakas dahil alam ko na nasa peligro rin ang buhay nya at sigurado ako na wala ng buhay ang kanyang mga magulang. Agad rin akong umalis sa lugar na kung saan ako'y matagal na nanirahan sa takot na baka ako ang mapagbintangang pumatay sa mag-asawa at baka puntahan ako ng may gawa noon sa kanila. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon at hanggang ngayun ako ay nananalangin na sana ang lahat nang iyon ay isang panaginip lamang.


     Lumipas ang maraming taon akala ko ay maayus na ang lahat. Nakakatulog na rin ako ng mahimbing onti-onti ng nawawala ang alaala ng bangungot ngunit hanggang akala lang pala ang lahat. Isang gabi nakarinig ako ng katok sa pinto dali-dali akong bumaba mula sa ikalawang palapag para buksan ito. Pagbukas ko agad akong nakatikim ng suntok mula sa isang lalaki, at sa likod niya ay may isang pamilyar na mukha na inakala kong matagal nang nabura sa mundo. Di na ako nakapagsalita dahil pagmulat ng mata ko, ay aka'y aka'y na ako ng aking anak at sa harap namin ay may nakatutok na baril. Humahalakhak ang lalaki na may hawak ng baril at pagtapos ng halakhak ay tyaka siya nagsalita. End


P.S. Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang, ano man ang pagkakahawig o pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya. Hango ito sa aking ginawang script noong ako ay second year college, subalit iniba ko ang tema at hinati ko ito base sa kung paano ang kwento ng bawat kasapi ng istorya.

galing dito ang larawan

Tuesday, May 27, 2014

Ano ang alam ni Dante?

   

   Sa dinadami dami ng ginagawa ko sa buhay, at sa sobrang hectic ng trabaho ko nakalimutan ko na na isa nga rin pala akong manunulat na hilaw. Nakalimutan ko na ang nagmulat sa aking isipan na ang mga hinaing ko sa buhay ay kailangan ilabas sa pamamagitan ng pagsusulat. Pero ang istorya ay hindi tungkol sa akin, siguro humanap lang ang Diyos ng instrumento para maibahagi sa iba ang kaninyang kwento. Di ko rin alam kung bakit ako ang napili nya, di naman ako magaling, hilaw nga diba. At lalo namang hindi ako sikat, siguro kailangan niya lang maibahagi ang kanyang naranasan at ako na lang ang kilala nya na kayang mailabas to sa madla, kahit na kami lang dalawa ang babasa.

   Simple lang ang kwento ng kaibigan ko. Pero para sa akin ang makinig sa kanya ay sapat na para matuto ako at makahinga siya ng maluwag. Itago natin siya sa pangalan na Dante at eto ang kanyang mensahe sa akin.

   "Ako si dante, sa pangalan ko palang alam mo naman na siguro kung ano ang kasarian ako, at wag mong sabihin nasa gitna ako dahil bata palang ako sigurado ako derecho na ako. Maiksi lang itong ikukwento ko sa iyo, kung tutuusin ilalabas ko  lang ang sama ng loob ko, ayaw ko sana pero gusto ko kasi para may maisulat ka sa blog mo, matagal tagal na akong walang nababasang bago eh. Nilapitan kita dahil alam ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Nababagabag kasi ako sa mga pangyayaring nakita ko at di ako natutuwa sa nangyari. Di ko kasi lubos maisip kung bakit nangyari yun, marami pa akong napagtanungan kaya alam ko na imposibleng mangyari iyon. Alam kong dapat ko na siyang paghandaan, at sa totoo lang medyo nakapaghanda naman ako sa posibleng mangyari. Pero nakakagulat pa rin na ang hindi dapat mangyari ay nangyari na at nakita ko,totoo na siya at hindi na magbabago yun. Kaya ko naman sana siya tanggapin, kaso ang hindi ko matanggap eh parehong naitago ang dapat naman ng nakalabas, kaya ang lumabas nasaktan ako kaibigan dahil lumabas na isa lang pala akong uto-uto na nagpadala sa daloy ng mga salarin at wala na akong magagawa kundi ang lumayo. Lumayo sa kasiyahan ng mga pangyayari na ang iba ay masaya pero ako ay blangko. 

   Mali rin siguro na masyado akong nagtiwala. Mali rin siguro na masyado kong binuksan ang sarili ko. Dahil ngayun di na kayang takpan ng bango ang baho na ipinamahagi ko. Bihira lang naman ako magtiwala, pero nung sinubukan ko nasira ang mga pundasyon na ginawa ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa mga bagay na aking nagawa at gagawin pa lamang. Wala ng ibang paraan, dahil hanggat nangyayari ang di ko inaasahan ay patuloy lang akong nasasaktan. Kung nasabi lang sana na noon pa na mangyayari siya eh sana di ako ganito ngayun, lumabas na ako'y nalinlang. Nalinlang ng sobrang lupit, na para bang ako ay tinarakan ng patalim sa likod.

   Wala na akong magagawa, at pagod na rin akong maghintay sa isang kalokohang di na muling magiging totoo. At sa mga may gusto pang maibalik ang dating saya, wag nyo nang pilitin dahil ako na mismo ang hihinto para di ko makamit ang inaasahan nyo. Basta ngayun ang alam ko lang, wag ka basta basta magtitiwala kahit na sa sarili mo."

   Nagulat ako sa kwento ni dante, dahil di ko inakala na ganoon na pala kalalim ang nilalaman ng puso niya. Di ko man lamang naisip na bigyan siya ng oras at kausapin siya. Di ko man lamang nagawan ng paraan para maging masaya siya. Isa pa naman siya sa pinakamatalik kong kaibigan pero ala akong nagawa para mapabuti ang kanyang kalagayan.

   Pagkatapos kong mabasa ang sulat niya at maisip kung ano ang dapat kong hakbang para mapasaya siya nagmadali akong nagayus ng sarili para mapuntahan at makumusta siya. At noong malapit na akong matapos ay humarap ako sa salamin, nagulat ako nang nakita ko sa salamin si Dante.


galing dito ang larawan

Thursday, January 9, 2014

Tall, Dark and That's all

     


     Una, sa mga hindi nakakakilala sa akin ako po si jobonane, at kung tatanungin kung bakit jobonane eh bahala na ang imahinasyon nyuo ang humusga. Ang sa akin nabuo na lang siya bigla, at simula noon siya na ang ginamit ko na pangalan sa lahat ng mga nilalalang na kailangan kong itago ang aking tunay na katauhan. Marami naman ng nakakakilala kung sino si jobonane, pero sa kanila na lang yun ang ako ay ako at sila ay sila.

     Pangalawa hindi nakadirekta sa kung sino ako ang nilalaman nito, pwedeng indirectly, pero di mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento ay magegets mo ang nakasulat dito. Simple lang naman kung bakit ko biglang naisipan sumulat, una 2014 na kaya dapat kahit papaano may entry ako at higit sa lahat basag na ang puso ko at kailangan ko na siyang buuhin.

     Pangatlo basag ang puso ko literally at figuratively. Literally dahil nalaman ko habang nagtetesting ako ng makina sa pinagtatrabahuhan ko na mali na ang pagtibok ng puso ko at hindi siya maganda, dagdag pa sinusumpung na naman ako ng heartburn, gusto ko matulog at ipahinga na lang pero parang sinisilaban yung puso ko so mahirap siyang gawin. Figuratively dahil pinipilit ko pa rin mahalin ang taong alam ko na kahit kailan eh hindi ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan.

     Pangapat binago ko ang pananaw ko sa buhay,  kasi dati torpeng torpe ako at takot sa babae pero dahil sa kanya nagkaroon ako ng tapang at lakas ng loob para magtapat. Nagawa kong magtapat dahil natatakot akong mawala siya sa buhay ko, at dahil rin kasi sa dami ng nagkakagusto sa kanya so bawat oras mahalaga, at napapanahon na rin siguro na maglevel up ako sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko.

     Panglima eto ako ngayun pinipilit ang sarili at ibinubulong sa utak na darating rin ang araw na magkakagusto rin siya sa akin bigyan mo lang ng time and effort. Ayus na sana pero bigla kong narealize na sa lahat ng manliligaw nya ako lang ang alang sariling sasakyan, di gaanong kapogian, at higit sa lahat di po ako mayaman. Pero ang lamang ko sinama ko si papa God sa paglapit sa kanya para matindi ang backer, ang problema kahit yata si papa God di sang ayun na maging kami.

     Panghuli simple lang naman, alam kong kahit hinang hina na ang loob ko nagdadasal pa rin ako kay papa God na  sana darating yung time na magkusap lang muli kami and this time sana mas handa na siya sa itatanung ko sa kanya. For the time being sana magenjoy lang siya sa mga ginagawa nya, at sa dahan dahang  paghilom ng sugat ng kanyang puso.  Basta ako bawas bawasan ang selos sa mga taong nakapaligid sa kanya at ang pagiging insecure, tandaan di naman kami so wag ako dapat mag assume. Mabuhay lang ng tama at may takot sa Diyos ok na yung mas mapalapit mo rin siya sa Diyos ng wala ka ng hinihinging kapalit. 


galing dito ang picture

Monday, July 22, 2013

Hollow no Phantom


Naniniwala ka ba sa kapangyarihan na invisibility? Kung oo ang iyong sagot pwes di na kita kukulitin dahil alam kong naranasan mo na yun kaya mo nasabing oo. Kung hinde, aba'y dapat ka nang maniwala dahil totoo yun at ako na mismo ang magsasabi at magpapatunay ang katotohanan nun.

Mukhang imposible pero kaya, dahil ako mismo ay may kapangyarihang ganun. Oo ako ay nagiging invisible most of the time hindi ko sadya, pero talagang nangyayari siya. Di ko nga alam eh, kung tutuusin nga sa lahat ng tao ako dapat yung taong napakadaling makita dahil sa sukat at itsura ko pero di ko mapagtanto kung bakit madalas eh di ako talaga napapansin.

Di ako napapansin di dahil suplado ako, sa itsura oo mukha akong suplado pero napaka approachable ko na tao. Approachable ako to the point na nagmumukhang tanga na ako sa ginagawa ko para lang mas lalo mo akong pasinin at para mas lalong mapalagay ang loob ng mga tao sa akin. Pero dahil nga sa pinagagagawa ko na ganun lumalabas ang kapangyarihan ko na maging invisible, kung tutuusin may kuneksyon to dun sa funnyful not pero mas masahol pa ang nangyayari ngayun sa akin, mabuti pa sa funnyful not nagagalit lang sila kasi akala nila joke lang ang sinasabi ko pero ngayun naramdaman ko na nagevolve na ang skills ko at imbes na magalit sila sa akin eh nagiging invisible na lang ako sa paningin nila.

Paano ko nasabing Invisible ako?
Invisible ako oo, sa dami kong suggestions na sinabi sa mga kakilala ko madalas di nila pinapansin, umabot pa nga sa point na para bang wala ako sa mundo. Ang masaklap pa dun darating ang isang bagay na magbibigay sila na suggestion or bagay na sinuggest or sinabi ko ng mga ilang araw, buwan, o taon nang nakalipas. Noong una akala ko nakakalimutan lang ng mga kaibigan ko o mga kakilala ko, pero di kalaunan napapansin ko na madalas na siyang nangyayari. Di ko alam kung ano ang gagawin ko pero isa lang naman ang sa tingin ko mas mabuting solusyon ang mas manahimik na lang at mas bawasan pa ang nabawasan ng yabang.

galing dito ang picture

Tuesday, May 14, 2013

PLUMA



Kung tatanungin mo ako ano ang pinakagusto kong gawin sa buhay, tatlong bagay lang naman ang ultimate past time ko na sa tingin ko eh may pagkakapareho sa iba. 

Una ay ang paglalaro ng computer games. Simple lang naglalaro ako ng computer games dahil dito ay nagagamit ko ang utak ko para malibang at magubos ng oras. Dagdag pa diyan, sa computer games halo halong emosyon ang madarama mo, may action, may drama, may comedy, may pampatakbo ng isip at marami pang iba na di kayang gawin ng simpleng gawain lamang yun yung sa tingin ko kaya maraming nahohook sa mga computer games lalo na dun sa mga games na nasa handheld devices dahil kahit san pa sila ay siguradong may ginagawa sila.

Pangalawa ay yung pagbabasa. Namana ko na yata sa angkan ng nanay ko ang pagkamahilig sa libro, kaya kahit sa internet ang gawain ko ay ang magbasa ng kahit ano anong articles na mukhang interesado, kahit di kakapulutan ng kakukalang aral basta masaya at nakakaaliw basahin ay pwede na. Isa pa kaya ako nahilig sa pagbabasa kasi kahit matanda na ako ay matindi pa rin ang lawak ng aking imahinasyon, kasing tindi yata ng sa bata, kaya pag nagbabasa ako pumapasok ako sa mundo ng mga binabasa ko at narerelax ang utak ko dahil kahit papaano nalalayo ako sa kaguluhan ng tunay na mundo. Isa pa nahilig ako sa pagbabasa dahil sabi nila isa daw tong sandata laban sa kamangmangan, at sa pagbabasa ko feeling ko ako si leonidas ng sparta kasi kahit ano pang itapat sa akin kahit papaano eh may pantatapat ako, kumbaga eh kahit papaano eh in ako.

At higit sa lahat na pinakapaborito kong panglibang eh ang pagsusulat. At dahil di na uso ang papel, natuto ako na magblog wala man ako gaanong audience isa lang ang nasa isip ko ang mailabas ang nasasaloob ng damdamin ko. Minsan nga pagbinabasa ko yung mga nasulat ko nabibigla ako minsan sa laman dahil kasi habang nagsusulat kasi ako ay di na ako yung taong dati kong kilala, dahil habang nagsusulat ako ng aking mga akda ay parang nagiging ibang tao ako. Minsan nga napatananong ako kung bakit may mga pen name ang mga writers, lately ko lang narealize na kaya pala sila nagpepen name ay dahil pag sumusulat na sila ibang tao na yung nagtetakeover para bang split personality kaya ganun. Minsan nga natanung sa akin bat ka nag engineering, eh may potential ka naman palang maging journalist, sabi ko di ko rin alam eh, basta natripan kong sumulat ayun lumabas na lang siya bigla.

Naiarrange ko yung tatlo di sa bilang ng pinakapaborito ko, naayus ang tatlo sa pagkakasunod ng kung gaano ko sila kadalas nagagawa, nasa ikatlo ang pagsusulat dahil sa kadahilanang mahirap isulat basta basta ang nasasaloobin ng damdamin.

Mukha mang baduy ang past times ko maliban dun sa computer gaming, pero para sa akin kahit alisin mo na yung paglalaro, basta nadun ang pagbabasa at pagsulat ay masasabi ko sa iyo buo na ang araw ko.

galing dito ang larawan

Sunday, December 9, 2012

CARITAS!!!




LOVE o PAG-IBIG, ang salitang sangkatutak ang description pero di naman sakto sa mismong meaning. Madalas ang love ay gamit na gamit to the point na nagiging cliche' na siya sa buhay ng isang tao. At madalas dahil sa sobrang gamit ng salitang ito nawawala na rin ang tunay nyang essence. 

Love-life ang bagay na wala ako since birth, maraming namemeet at nakilala, pero walang humahantong kahit man lamang sa M.U.

Siguro nagtataka kayo eh no? Sa tagal ko ng nagpopost ng mga entries dito sa blog ko eh ni minsan di ako nagkuwento ng tungkol sa love-life.

Di ko rin alam eh bakit ilang ako sa bagay na yan, siguro dahil di naman ako kaguwapuhan, at di rin kagandahan ang built ko kaya iwas ako, pero di yun ang pinagsimulan nun eh. Marami ring dahilan kung bakit hanggang ngayun wala pa rin akong naging karelasyon, at iyun ang ikukuwento ko mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim.

Ang Una sa mga dahilan ko kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil, mas madalas na umiral sa akin ang katamaran. Katamaran in the sense na may mga oras na gusto ko eh nasa bahay lang ako at pahinga mode. Minsan nga eh gumagawa pa ako ng excuse sa mga lakad dahil gusto ko lang humilata sa kama ko para magbasa o maglaro ng mga games sa aking mga handheld devices. Isa na rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit di attractive ang built ko at nababalutan ng taba ang buong katawan ko.

Ang Pangalawa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil di pa ako sanay manlambing. Noong bata pa kasi ako, mas close ako sa tatay ko keysa sa nanay ko, so syempre bihira ko na experience ang paglalambing na ginagawa ng isang ina. Madalas pa nga kaming mag away ng nanay ko dati, kasi feeling ko di nya ako naintindihan dahil ako ay isang big boy na. Pero di naman ako dry when it comes to affections, pag giving of peace naman eh humahalik ako sa nanay at tatay ko, pero yun na ang pinaka intense na paraan ko sa paglalambing. Kahit nga yung magbigay ng regalo hanggang ngayun ilang pa rin ako eh, pero generous akong tao.

Ang Pangatlo sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil may fear ako sa babae. Nagsimula yung takot ko nung preschool pa lang ako. Madalas kasi dati akong magbakasyon sa bahay ng kapatid ng lola ko, eh dun sa bahay nila may kalaro akong babae dun, tapos lagi akong tinutukso dun sa girl na iyun, eh para sa isang batang paslit nakakainis yung ganun hanggang sa nagbuild up ng nagbuild up yung fear na pag nadikit ka sa babae eh may mangyayaring di maganda sa katawan mo. At siguro dahil dun kaya ako lumaking torpe... tsk tsk tsk kasalanan to ng mga tito at tita ko dun eh hahaha

Ang Pangapat at pinakagrabeng dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend, ay yung fear of rejection. Nagsimula yung fear of rejection ko nung nabasted ako nung taong akala ko ay matatanggap ako bilang boyfriend nya. Eto naman ako, ang agressive kasi naovercome na yung fear sa babae, tapos di man lamang nagresearch kaya ayun sapul! Dun ko natanggap yung text na di naman sa ganun, pagkabasa na pagkabasa ko nun gumuho mundo ko eh. Bigla kong sinara ang sarili ko sa  friendster(Eto pa ang uso noon) at medyo magulo isip ko nun, eh paano basag ang puso ko eh. Nabasag pa lalo kasi nagkabalikan pa ulit sila nung ex nya, habang binabasa ko nga yung message na yun eh, kumakanta sa background yung silent sanctuary ng rebound mo lang pala ako (pero ngayun ko na lang isiningit yan di pa sikat silent noong panahon na iyon). At ang siste eto pa kala ko kasi sila na hanggang dulo, pero ayun naghiwalay rin sila. Friends pa rin naman kami nung bumasag sa puso ko, pero malabo ng kausapin ko ng masinsinan yun, masakit sa puso eh. Taon rin ang binilang bago ako nakapagmove-on sa pagkakabasted sa akin, at sa ngayun dahan dahan na ulit ako nakapagmoveon

Kala ko nga patuloy ng magsasara ang sarili ko pagdating sa love-life eh pagkatapos nung basted reset to one ako eh, tinamad ako, naging insensitive ako, nagkatakot uli ako sa babae, at takot na ako mareject. Kaya ayun hanggang simpleng conversations lang ako mga tipong masasagot lang ng yes or no.

Sa ngayun, dahil dahan dahan na ako nakakapagmoveon, dahan dahan na rin nawawala ang mga epekto nung pagkakabasted sa akin. Ngayun nakikipagdate na ako, kaya ko ng magkuwento ng buhay ko, at kaya ko ng maging touchy sa babae.

Ang tanging kulang na lang eh yung makapagtapat ako ng aking nararamdaman.

sana sa susunod na magpost ako dito, magpopost ako na sobrang saya ko dahil may girlfriend na ako :D

hanggang sa muli :D

galing dito ang picture