Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya dali-dali akong bumaba para buksan ito. Pagbukas ko agad akong nakatikim ng suntok mula sa isang lalaki, at sa likod niya ay may isang pamilyar na mukha na inakala kong matagal nang nabura sa mundo.
Ako nga pala si Dario pero di ako kilala sa pangalan ko dahil mas kilala ako sa tawag na maestro. Kaya naman ako tinawag na maestro dahil isa akong guro sa musika at kilalang-kilala ako sa larangan na iyon. Di ko na masyadong idedetalye ang aking sarili dahil ang nilalaman ng kwento ko ay ang nangyari noong gabi na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan.
Isang tahimik na gabi, narinig ko mula sa labas ng isang bahay ang iyak ng isang sanggol. Lumapit ako sa pintuan ng nasabing bahay at napansin kong bukas ang kanilang pinto, pinasok ko ang bahay dahil sa kutob ko na may hindi magandang nangyayari sa loob dahil sigurado ako na di maaring iwan ng aking kaibigan at ang asawa nya ang kanilang pinto na nakabukas ng disoras ng gabi. Habang papanhik ako sa kung saan natutulog ang mag-asawa nakarinig ako ng putok, at dahil sa takot nagpasya na lang akong kunin ang umiiyak na sanggol. Pagkuha ko sa sanggol agad ko siyang itinakas dahil alam ko na nasa peligro rin ang buhay nya at sigurado ako na wala ng buhay ang kanyang mga magulang. Agad rin akong umalis sa lugar na kung saan ako'y matagal na nanirahan sa takot na baka ako ang mapagbintangang pumatay sa mag-asawa at baka puntahan ako ng may gawa noon sa kanila. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon at hanggang ngayun ako ay nananalangin na sana ang lahat nang iyon ay isang panaginip lamang.
Lumipas ang maraming taon akala ko ay maayus na ang lahat. Nakakatulog na rin ako ng mahimbing onti-onti ng nawawala ang alaala ng bangungot ngunit hanggang akala lang pala ang lahat. Isang gabi nakarinig ako ng katok sa pinto dali-dali akong bumaba mula sa ikalawang palapag para buksan ito. Pagbukas ko agad akong nakatikim ng suntok mula sa isang lalaki, at sa likod niya ay may isang pamilyar na mukha na inakala kong matagal nang nabura sa mundo. Di na ako nakapagsalita dahil pagmulat ng mata ko, ay aka'y aka'y na ako ng aking anak at sa harap namin ay may nakatutok na baril. Humahalakhak ang lalaki na may hawak ng baril at pagtapos ng halakhak ay tyaka siya nagsalita. End
P.S. Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang, ano man ang pagkakahawig o pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya. Hango ito sa aking ginawang script noong ako ay second year college, subalit iniba ko ang tema at hinati ko ito base sa kung paano ang kwento ng bawat kasapi ng istorya.
galing dito ang larawan
No comments:
Post a Comment