Sunday, December 9, 2012

CARITAS!!!




LOVE o PAG-IBIG, ang salitang sangkatutak ang description pero di naman sakto sa mismong meaning. Madalas ang love ay gamit na gamit to the point na nagiging cliche' na siya sa buhay ng isang tao. At madalas dahil sa sobrang gamit ng salitang ito nawawala na rin ang tunay nyang essence. 

Love-life ang bagay na wala ako since birth, maraming namemeet at nakilala, pero walang humahantong kahit man lamang sa M.U.

Siguro nagtataka kayo eh no? Sa tagal ko ng nagpopost ng mga entries dito sa blog ko eh ni minsan di ako nagkuwento ng tungkol sa love-life.

Di ko rin alam eh bakit ilang ako sa bagay na yan, siguro dahil di naman ako kaguwapuhan, at di rin kagandahan ang built ko kaya iwas ako, pero di yun ang pinagsimulan nun eh. Marami ring dahilan kung bakit hanggang ngayun wala pa rin akong naging karelasyon, at iyun ang ikukuwento ko mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim.

Ang Una sa mga dahilan ko kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil, mas madalas na umiral sa akin ang katamaran. Katamaran in the sense na may mga oras na gusto ko eh nasa bahay lang ako at pahinga mode. Minsan nga eh gumagawa pa ako ng excuse sa mga lakad dahil gusto ko lang humilata sa kama ko para magbasa o maglaro ng mga games sa aking mga handheld devices. Isa na rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit di attractive ang built ko at nababalutan ng taba ang buong katawan ko.

Ang Pangalawa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil di pa ako sanay manlambing. Noong bata pa kasi ako, mas close ako sa tatay ko keysa sa nanay ko, so syempre bihira ko na experience ang paglalambing na ginagawa ng isang ina. Madalas pa nga kaming mag away ng nanay ko dati, kasi feeling ko di nya ako naintindihan dahil ako ay isang big boy na. Pero di naman ako dry when it comes to affections, pag giving of peace naman eh humahalik ako sa nanay at tatay ko, pero yun na ang pinaka intense na paraan ko sa paglalambing. Kahit nga yung magbigay ng regalo hanggang ngayun ilang pa rin ako eh, pero generous akong tao.

Ang Pangatlo sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil may fear ako sa babae. Nagsimula yung takot ko nung preschool pa lang ako. Madalas kasi dati akong magbakasyon sa bahay ng kapatid ng lola ko, eh dun sa bahay nila may kalaro akong babae dun, tapos lagi akong tinutukso dun sa girl na iyun, eh para sa isang batang paslit nakakainis yung ganun hanggang sa nagbuild up ng nagbuild up yung fear na pag nadikit ka sa babae eh may mangyayaring di maganda sa katawan mo. At siguro dahil dun kaya ako lumaking torpe... tsk tsk tsk kasalanan to ng mga tito at tita ko dun eh hahaha

Ang Pangapat at pinakagrabeng dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend, ay yung fear of rejection. Nagsimula yung fear of rejection ko nung nabasted ako nung taong akala ko ay matatanggap ako bilang boyfriend nya. Eto naman ako, ang agressive kasi naovercome na yung fear sa babae, tapos di man lamang nagresearch kaya ayun sapul! Dun ko natanggap yung text na di naman sa ganun, pagkabasa na pagkabasa ko nun gumuho mundo ko eh. Bigla kong sinara ang sarili ko sa  friendster(Eto pa ang uso noon) at medyo magulo isip ko nun, eh paano basag ang puso ko eh. Nabasag pa lalo kasi nagkabalikan pa ulit sila nung ex nya, habang binabasa ko nga yung message na yun eh, kumakanta sa background yung silent sanctuary ng rebound mo lang pala ako (pero ngayun ko na lang isiningit yan di pa sikat silent noong panahon na iyon). At ang siste eto pa kala ko kasi sila na hanggang dulo, pero ayun naghiwalay rin sila. Friends pa rin naman kami nung bumasag sa puso ko, pero malabo ng kausapin ko ng masinsinan yun, masakit sa puso eh. Taon rin ang binilang bago ako nakapagmove-on sa pagkakabasted sa akin, at sa ngayun dahan dahan na ulit ako nakapagmoveon

Kala ko nga patuloy ng magsasara ang sarili ko pagdating sa love-life eh pagkatapos nung basted reset to one ako eh, tinamad ako, naging insensitive ako, nagkatakot uli ako sa babae, at takot na ako mareject. Kaya ayun hanggang simpleng conversations lang ako mga tipong masasagot lang ng yes or no.

Sa ngayun, dahil dahan dahan na ako nakakapagmoveon, dahan dahan na rin nawawala ang mga epekto nung pagkakabasted sa akin. Ngayun nakikipagdate na ako, kaya ko ng magkuwento ng buhay ko, at kaya ko ng maging touchy sa babae.

Ang tanging kulang na lang eh yung makapagtapat ako ng aking nararamdaman.

sana sa susunod na magpost ako dito, magpopost ako na sobrang saya ko dahil may girlfriend na ako :D

hanggang sa muli :D

galing dito ang picture

1 comment: