Thursday, January 9, 2014

Tall, Dark and That's all

     


     Una, sa mga hindi nakakakilala sa akin ako po si jobonane, at kung tatanungin kung bakit jobonane eh bahala na ang imahinasyon nyuo ang humusga. Ang sa akin nabuo na lang siya bigla, at simula noon siya na ang ginamit ko na pangalan sa lahat ng mga nilalalang na kailangan kong itago ang aking tunay na katauhan. Marami naman ng nakakakilala kung sino si jobonane, pero sa kanila na lang yun ang ako ay ako at sila ay sila.

     Pangalawa hindi nakadirekta sa kung sino ako ang nilalaman nito, pwedeng indirectly, pero di mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento ay magegets mo ang nakasulat dito. Simple lang naman kung bakit ko biglang naisipan sumulat, una 2014 na kaya dapat kahit papaano may entry ako at higit sa lahat basag na ang puso ko at kailangan ko na siyang buuhin.

     Pangatlo basag ang puso ko literally at figuratively. Literally dahil nalaman ko habang nagtetesting ako ng makina sa pinagtatrabahuhan ko na mali na ang pagtibok ng puso ko at hindi siya maganda, dagdag pa sinusumpung na naman ako ng heartburn, gusto ko matulog at ipahinga na lang pero parang sinisilaban yung puso ko so mahirap siyang gawin. Figuratively dahil pinipilit ko pa rin mahalin ang taong alam ko na kahit kailan eh hindi ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan.

     Pangapat binago ko ang pananaw ko sa buhay,  kasi dati torpeng torpe ako at takot sa babae pero dahil sa kanya nagkaroon ako ng tapang at lakas ng loob para magtapat. Nagawa kong magtapat dahil natatakot akong mawala siya sa buhay ko, at dahil rin kasi sa dami ng nagkakagusto sa kanya so bawat oras mahalaga, at napapanahon na rin siguro na maglevel up ako sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko.

     Panglima eto ako ngayun pinipilit ang sarili at ibinubulong sa utak na darating rin ang araw na magkakagusto rin siya sa akin bigyan mo lang ng time and effort. Ayus na sana pero bigla kong narealize na sa lahat ng manliligaw nya ako lang ang alang sariling sasakyan, di gaanong kapogian, at higit sa lahat di po ako mayaman. Pero ang lamang ko sinama ko si papa God sa paglapit sa kanya para matindi ang backer, ang problema kahit yata si papa God di sang ayun na maging kami.

     Panghuli simple lang naman, alam kong kahit hinang hina na ang loob ko nagdadasal pa rin ako kay papa God na  sana darating yung time na magkusap lang muli kami and this time sana mas handa na siya sa itatanung ko sa kanya. For the time being sana magenjoy lang siya sa mga ginagawa nya, at sa dahan dahang  paghilom ng sugat ng kanyang puso.  Basta ako bawas bawasan ang selos sa mga taong nakapaligid sa kanya at ang pagiging insecure, tandaan di naman kami so wag ako dapat mag assume. Mabuhay lang ng tama at may takot sa Diyos ok na yung mas mapalapit mo rin siya sa Diyos ng wala ka ng hinihinging kapalit. 


galing dito ang picture

2 comments: