Friday, March 11, 2011
way back dec 25, 2008
Wala ba kayong napapansin kung bakit sa panahon ngayon ang employers na ang umaayaw sa mga workers at hindi ang mga workers ang umaayaw sa hirap ng trabaho. Isa lang ang dahilan nyan, ang efficiency ng mga pinoy sa trabaho ay pababa na ng pababa. Kasi di man natin pansin pero mas marami tayong ina-allot na time sa tsikahan at kainan keysa sa pagtatrabaho. May isang example nga na binigay yung teacher ko kung paano ang ginagawa ng isang typical pinoy employee. Una syempre alam naman natin ang pasok ay 8, syempre bago pumasok nyan bili muna ng meryenda o kahit anung makakain para prepared. Syempre minsan late pa yan mga dating mga 8:15-8:30. Tapos pagdating sa office syempre masaya nagkitakita ulit kayo chikahan syempre kahit araw araw kayong magchikahan ayos lang kasi araw araw rin may bagong chismax, at syempre yung kwentuhan aabot ng mga 9:30. Syempre Pagtapos ng chikahan time na for break so kakain kayo, 15 mins break yun, so simula 9:30 mga matatapos yung break ng 10:30. Pagdating ng 10:45 tsaka ka pa lang uupo sa cubicle mo. Pagdating mo sa cubicle mo syempre dahil magtatrabho ka na aayusin mo na yung mga dapat na gagamitin mo sa work mo so aabot ng mga 11:45 kasi maarte ang mga pinoy gusto organized. tapos pagdating 11:45 tsaka pa lang mag-oon ng Computer tapos syempre sakto pag naayus mo na lahat 12 na kaya time for lunch break na. Pagdating ng lunch break syempre magga-gala pa kayo. So mga 2 kayo babalik ng office at syempre it's time to work. kaso pagdating ng mga 3:15 break na naman required kasi yun sa opisina magkaroon ng tatlong break. So kwentuhan ulit at kainan, ang balik mo mga 4 na. By the time na bumalik ka syempre trabaho ulit. Pero pagdating ng 4:30 syempre dahil 5 ang uwian mo dapat ayusin mo na ang gamit mo so by 5 ready to go ka na diba ang galing!!! yan yan ang problema mas nauuna pa ang chikahan at kainan keysa sa work na inabot lang ng 1:30 hrs. Di mo ba napansin sa ibang bansa regarded ang pinoy na pinakamasipag kasi wala tayong chika at ang kain ay three times a day lang talaga so efficient ang trabaho nila walang naaksayang oras. so kung ganun siguro dito sana mas maraming investors ang nandito kahit na malaki ang gagastusin nila sa pagsusuweldo sa tao. diba
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment