Tuesday, March 15, 2011

T.H.S.

Tandang, tanda ko pa noong high school para akong si valle ng grupo namin, pag nagkamali may batok at pag pumalag batok ulit, pero malaki ang pagkakaiba namin dahil kaya kong manggago ng teacher, at kapwa estudyante kahit di ako lasing.

Pero, intro lang yan, dahil ang tunay kong istorya ay tungkol sa kolehiyo, bagamat matagal tagal na  ito, dahil tong kuwento ko ay 2006 pa, masasabi nating applicable pa rin pag pinagsama-sama mo ngayon.

Sa isang klase di nawawala ang mga grupo, at syempre sa isang klase di lang isang grupo ang naroon, madalas marami, dahil syempre magsasama-sama muna ang mga magkakaugali at magkakakilala. Pero  bandang huli nagiging isa rin, kasi marami ang nawawala at kailangan na rin talagang magkaisa kahit pilit.

Ano ano nga ba ang classifications ng grupo sa klase namin, ano ang tawag sa bawat grupo, ano ang kanilang ambag sa klase, at ano ba ang mangyayari sa kanila. malamang di mo alam ang sagot, kung alam mo man malamang either, nakadaldalan na kita o kaya magaling ka lang talagang mag analyze, di tulad ko. Sa mga susunod mong mababasa nais ko lang iparating sa iyo na kung kasama ka sa grupo na ito wag mo na lang damdamin dahil masakit talaga, hehehehehe.

Eto ang listahan, sumabay ka na lang (take down notes para di makalimutan)

1. LRT BOYS - eto ang grupo na nangangamba pag inabot ng gabi ang uwian, dahil malamang sa malamang di nila maabutan ang last trip. Eto rin ang pinaka core group ng mga lalake sa klase pag dating ng panahon, dahil nandito sa grupong eto ang pinakagago sa klase, at nandito rin ang pinuno na si jollibee. Sa grupo na ito bawal ang pikon, dahil pag napikon ka asar talo ka ng isang linggo hanggang isang buwan.
members: Jollibee(pinuno), Gori(gago), Panot(tatay ng klase), Mata(answer sheet ng klase)

2. Chikiting Patrol - eto ang subgroup ng LRT boys, bagama't lagi silang kasama ng LRT boys, di kasi sila sumasakay ng LRT noong mga panahon na iyon madalas sila ay naka jeep. sila ang mga tahimik na tao pero pag bumanat yari ka. Dahil kasama sila ng LRT boys bawal rin sa kanila ang pikon.
members: Chikiting(boy sta. ana), Hellboy(tanungan tungkol sa computer), Aso(taga planetang chupol)

3. Rizal Boys - eto ang grupong kinabibilangan ng mga taga angono at taytay, sila rin ay subgroup ng LRT boys ngunit nakasali lang talaga sila nung 2nd sem na noong 1st year college kami, isa rin sila sa promotor ng kalokohan, at madalas ako ang biktima. sa grupo nila bawal din ang pikon dahil member sila ng LRT boys.
members: RVD(emo boy), MaOcho(pogi ng klase punggok lang), Kuya kim(Ang may pinakamasipag na tatay)

3. INC(grupo ni penpowered) - eto ang grupo na kinabibilangan ng mga magagaling,artistahin,kwela, at mga kulang sa hulog. eto ang grupo na nasa likod lagi ng klase dahil mayroon silang sariling mundo at bihira mo lang silang makakausap lalo na yung mga kulang sa hulog, pwera lang yung lider nila si penpowered dahil marami kang matutunan sa kanya(*kindat) pag nakausap mo siya, kaya madalas kakausapin mo talaga siya.
members: Penpowered(idol), Bong Revilla(basta bong revilla), Smiley Face(di siya sumisimangot ever), Hercules(anak ni zeus, at kapatid ni aphrodite, dat irin siyang member ng THS), BF ni Smiley Face(ang natatandaan ko lang siya nag pauso ng crispy batok)

4. Ang kambal - eto ang grupo na binubuo ni kabayo kid at ni banana cutter, maganda na sana ang samahan na ito dahil sa kanila mo makikita ang lahat, masipag, matalino, mabait, kwela, at matinik sa chicks, subalit nabuwag din ito pagkalipas ng mahabang taon.
members: kabayo kid(basta malakabayo siya), banana cutter(bading to may dahilan ng paghihiwalay nila ni kabayo kid sa takdang panahon)

5. T.H.S.(trying hard shits) - eto ang grupong nag stick sa kanilang pangalan, ang trying hard shits. Sa grupong eto makikita ang lahat ng babae sa section namin, at sa grupo rin ito makikita ang mga trying hard na pogi/maganda na feeling cool, mayayabang at mga ubod ng kapal ang mukha in short mga trying hard shits nga. Dati rin akong kasama sa grupo na ito, pati si hercules at kasama dati dito, pero di kalaunan napansin ko na paulit ulit ang nangyayari sa kanila. Dumating ang point na sila na mismo ang nagtatalo talo. Sa grupong ito makikita ang mga taong , pipilitin ka nilang gawin ang mga bagay na maganda sa paningin nila, kahit pangit sa iyo. Sa grupo ring ito ang may pinakamalakas na crab mentality, at pinaka magaling magstraw sa klase. nandito rin sa kanila ang mga feeling boss, at feeling close. Bagamat sa paglipas ng panahon ay magkakawatak-watak sila nanatili pa rin sa kanilang dugo ang pagiging THS, or thanks. Kahit masama ang imahe nila sa grupo namin may mga nagagawa pa rin silang maganda dahil sila ang mga nagtetextpass ng mga activities sa klase, hanggang dun lang. katulad ng LRT boys nahahati rin sila sa subgroups: The Girls and The Boys
members: janno(pinaka THS sa mga THS), winnie the pooh(mabait sana, kaso. slow at bulag kay janno), boy yabang(over rated ang mga banat), floodway(wala sa hulog pag naginit ang ulo), taba(matabang babae na pa cute at nakakairita), ulo(malaki ang ulo), waway(may laway sa kamay), GMA(kasing height ni PGMA), babski(matabang lalake), sunog(pinakabarbero sa klase, kaya ayun alam mo na ang nangyari), at si Madam(parther ni boni sa resmeth)

6. the other THS - kabilang sila sa mga THS, kaso may malaking problema hindi nila tunay na dinidisplay ang katangian ng isang THS so hiniwalay ko sila, sila yung mga tahimik sa klase, madalas wala, pero overall masasabi kong anlaki ng lamang nila sa mga pure blooded THS. Sila ang mga unang mawawala sa THS pagkatapos namin ni hercules.
members: Boni(dahil tagadoon siya), holy(alam mo na pag binuo), right(eh opposite lang), Sesame street(mukha siyang bumbay kahit hindi)

7. The others - sila ang mga taong kinalimutan na ng klase, dahil kahit wala sila parang ok lang at yung iba sa kanila di talaga tumagal kahit first year lang. sasabihin ko na ang tunay nilang pangalan dahi di naman sila gaanong mapapansin
members: alex big(pag lumakad to, umaalog literal ang sahig), atanacio(sino nga ba siya, naalala ko lang kamukha niya si glock 9), remonte(ewan, di ko na matandaan), santos(isang gwapo, at makisig na tao, kahawig nya si aga mulach, pag di naligo ng 10 taon), alex small(pinakamatanda sa klase at pag nagsalita siya palagi siyang nag rarap)


Ang mga grupo na ito ang bumubuo ng klase namin nung 1st year, pero di kalaunan ang iba ay nag merge na ng tuluyan, at ang iba ay nagkawatak watak na. Marahil napagtanto tanto na rin na kailangan na ring magkaisa dahil sa dami na ring taon na magkakasama, at dami ng recollection at retreat na pinuntahan. Marami rin ang mga nadagdag sa klase na galing sa ibang lugar at eskuwelahan na nag transfer sa aming eskuwelahan. May mga evolutions na nangyari sa mga grupo sa paglipas ng panahon, pero ngayun namnamin nyo muna kung sino silang lahat bago nyo malaman ang mga evolutions, kasi mas masarap malaman ang basics.

No comments:

Post a Comment