Hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng
kabataan natin.mga makukulay,mababango (although minsan may
maantot), at masasarap na kending lalung nagpasaya saten at
minsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot
nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa
mga puso at tastebuds namin nung panahon ko.
1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng
dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong
puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya (malamang?!) na
may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa
pinakagitna. kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang
eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.
2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene
man yan o tukling. cherry flavor na kendi na gawa sa
benadryl (ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at
sandamakmak na pulang food coloring. sobrang makulay sa
bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata
o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan. payak lang ang
wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay lipps.
3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother
lily. caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap
bilhin lalu na ang kainin. kulay tae din ang wrapper nya at mas
mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending
toh.
4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi. dalawa kase
ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at
imported. parang vivang pinahaba lang ung local
version, toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang
misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking
nougat naman ung imported at bukod dun sa chinese
character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka
pambato ng white rabbit imported: ang kanyang inner wrapper na
pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya. happy fiesta!
5. PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang
lehitimong tawag sa kendi na toh, pero dahil hndi tayu masyado
sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang
kending pinakafashionista ang wrapper dahil figuratively muka
syang pinya. bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang
tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito. at ang
lasa?..pinya..malamang.
6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng
mga batang sadyang madamot lang talga at pinalaking dupang. vicks
candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa
isang maliit na pack na hugis inverted triangle a(kumporme sa
paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata
na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated
talga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa
sinisipon.
7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking
bibig.ito ang peter's butterball, ang pinakamasarap sa lahat ng
caramel candies. bilog syang candy na mejo may kalakihan ang
hulma kung sa bata ipapasubo. sosyal ang wrapper dahil ito ata
ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach
pa.bsta masarap,husto na yun.
8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at
potchi. malalambot na orange slices na pinatihaya,pinadapa at
pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda. apat na
slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngayun ng
mga takatak boys kesa sa sari sari stores.
9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon
ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na
tribute sa kanya nung early 90s. caramel candy din ang tootsie
roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng
tinasahan. bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din
syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang
pinakamasayang purpose ng tootsie roll.
10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate
candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at
lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at
kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong
sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang
pinambili.
11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong
baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng
mga bata.ito ang haw flakes,ang kending galing pa ng tsina at
naging saksi sa barter trade system.mas kilala sa tawag na
?oscha? dahil sa kakatwang itsura nito.maninipis at kulay
maroon na amoy pawisang singit ng bata(maasim),nevertheless
may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang damdaming makadiyos
at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending galing
sa langit
12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut
motion.pabili nga po neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na
lang dun sa garapon.ganyan ang kending hubo.ang kending walang
sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang
holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan
citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at
kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady?s choice.
13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng
pagkabata.mas kilala sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa
purong kokwa(cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma
into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na
parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din
kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang
importante eh.
14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang
pinakasikat na kendi(o kung anumang twag sa klase nya) sa
balat ng pilipinas.gawa sa natuyong peanut butter at chocolate
na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa
palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas
oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?
No comments:
Post a Comment