napulot lang..
salitang hindi dapat mamutawi sa bibig ng isang lalaki..
at dahil ang mga salita ang bumubuhay sa atin, at ito ang sumasalamin kung anong klase tayo at kung anong meron sa ating pagkatao, minarapat kong maglabas ng sarili kong bersyon, o karagdagan na mga salita o pantig na hindi dapat o hinding hindi dapat umalingas sa bibig ng isang lalaki.
"WINNER" - dalawang pantig na salita ang ikahihiya ng mga brusko at magdadala ng sarili mo sa bingit ng kabaklaan. "panalo" ang tamang terminolohiyang ginagamit kapag ikaw ay nabibilib sa kamanghamanghang ano pa man. at ang pagbigkas ay kapareho ng "ang gago mo" - panalo.
"IN FAIRNESS" - isang matamis na salita na maihahalintulad sa mabangong bulaklak ng sampaguita, isang pagpuri sa paghigit sa isang bagay. ito rin uri ng anino na may mahabang buhok ang nakadikit sa katawang lalaki mo.
"GETS MO?" - kasabay ng pagbigkas nito ay ang pagtaas ng isang kilay, isang senyales ng katarayan ng babae ang gumagawa nito. sinong kilala mong maton ang tumaas na ang isang kilay? kahit si george estregan pandidilatan ka lang ng mata.
"SAKIT SA BANGS!" - ginagamit lang ang bangs para takpan ang lagas na parte ng ulo para takpan ang pagkapanot. pero isang sampal ito sa mukha sa kuta ng aming pagkalalaki.
"ECHUSERANG FROGGY FROG" - isang nakakasulasok at makabulunang salita na tumutukoy sa isang epal na tao ('yun ay kung tama ang interpretasyon ko). walang dahilan para sumingaw sa ngalangala mo ang salitang kamakailan lang naimbento ng mga baklang nabuhay sa pangalawang pagkakataon.
"CHORVA" - kelan mo pa gustong tumira o tirahin ka sa puMet?
"BONGGANG BONGGA" - isa salita na maikukumpara sa isang matalim na punyal na wawasak at gugunaw ng mundo ng mga lalaki.
"MASCULINE WASH" - isang produkto ng siensya ang inimbeto para hugasan ang tatak ng isang tao na nagtataglay ng kamachohan. sinong lalaki ang naging mapangahas para hugasan ang sariling pagkalalaki. isa itong kahihiyan.
"PEP" - kailangan ko pa bang ipaliwanag 'to?
"VEGGIE DAY" - sinong lalake ang takot mamatay dahil ang pagkakaalam n'ya ay maraming namamatay sa pagkain ng karne at wala pang nabalitaan na namatay sa pagkain ng sobrang gulay? walang pakialam ang lalaki sa pagdi-diet. isa itong kahindutan.
TEAM EDWARD, TEAM JACOB" - ang katotohanang pamilyar ka sa pangalan o tagahanga ka ng dalawang lalaking ito ay isang lamat na pwedeng pumigtas sa kadenang bakal ng pagkalalaki.
"ANG CUTE NG [insert kahit ano here] MO" - ano man bagay na may kaugnayan sa salitang cute, at ito ay lumabas sa bibig ng sinumang lalaki para purihin ang isang bagay ay isang malaking kagunawan ng pagkalalaki.
"WORKING GIRLS, ONE MORE CHANCE" - ang interes ng mga lalaking may krisis at may katanungan sa estado ng kanilang kasarian. isang trahedya sa amin ang mahaluan ng mga kalandiang pwedeng mapulot sa pagtangkilik sa ganyang mga sining.
"HINDI KAYA NG POWERS KO" - walang humihiyaw ng DARNA! - ayon kay lourd, lalo na't may simbuyo ng damdamin na punong puno ng enerhiyang sumasabog sa kalawakan.
"AYT" - isang salitang pacute na pinaiksi ang baybay at binibigkas na parang batang ulol bulo. nakakapagpatayo ng mga balahibo sa katawan sinong mang lalaki ang makakarinig nito kapag binigkas mo.
No comments:
Post a Comment