1. hingi ka po ng Guidance kay God para magkaroon ka ng lakas ng loob at maisagawa at makapag-isip ng maganda/mapalago ang negosyo mo. be positive po always sa everyday day to day basis. and be good to your customers kahit nakaaway mo sa labas at naiinis ka na sa kanila pero pagpasok ng shop mo at nagrent syempre bossing ang tawag ko sa mga ganyan... pero its more advisable to be friendly and be diplomatic to all your nieghborhoods even to tambays. sa amin naranasan ko na murahin ako "PUT***MO" bumagsak anak ko dahil sa L*NT*K na walang kwentang computer shop nyo... sa loob loob ko alam ko na dahilan sa ugali palang nung magulang panis na kinabukasan aabutin ng anak nya...
2. make a wealthy healthy lifestyle.. smoking is bad to your health, drinking too much is bad too your health, over fatigue stress is bad to your health... pag hindi ka healthy hindi mo magagampanan ng maganda ang negosyo mo.
3. learn to save your money and mag-invest ka in reasonable prices.
4. put all games na pwedeng laruin ng customer nyo bawal kung bawal ang private server pero kung kikita ka po bakit hindi, ipagsa Diyos mo nalang muna na balang araw pag may magandang laro na sila na pupwede mo nang tanggalin ang mga private servers. tsaka lahat ng available games na nasa shop mo pwede maging source ng income ng loadcentral mo dahil bibili sila sayo nga gamecards make sure may laman lagi load mo or my gamecards ka.
5. lagay ka po ng softwares like photoshop, ms frontpage,ms and open office that can support all ms office versions, pdf editor, winzip, mirc, camfrog, ym, msn messenger, chika, divx, firefox, etc... minsan kailangan din ng load ng mga chatters... para tatawagan nila sa phone ung kachat nila or ung relatives nila.
6. all particular computer related na pwede mong pagkakakitaan. ioffer mo silang lahat..
a. bluetooth, datacable, infrared, card reader. disable mo mga usb drives mo. para pagtrasfer ng mga photo's, mp3's, video's pwede icharge mo sa kanila. tipong less 10mb 1 pesos, 50mb 5pesos, 100mb 10 pesos, 1gb 100 pesos.
b. scanner, printer, digi cam combo.. dito malaki rin kita ko.. especially pag may nag papaedit sa akin sa photoshop para akong si dr. calayan pakikinisin ko ung tagihawatin face nila, tapos ung iba kuya pwede mo ba ako paputiin dyan.. why digicam? pag nakita mo ung papascan labo naman nito paginiscan pagpinicturan po kita ang ganda/guwapo mo sa pic mo.. pwede pa kita bihisan ng nakabarong necktie pa sa id picture mo.. o kaya naman pagpersonal/group shot additional charge yan dahil babaguhin mo ung background nila pwede sa puerto, bora, palawan, canada, hongkong..
c. webcam and headset. clear shots more comfortable for their relatives to see them and headset din po mahalaga din po yan para makapag usap at magkarinigan po sila ng maayos.. in my case po hindi ko masyadong maioffer dahil sadyang maingay po mga gamers ko. (solutions new rooms for them pero cost of renovation para sa separate chatroom around 15-25k.) tsaka na muna to.
d. cd burn - yes piracy again mp3? games? audio? movies? scandal -- bad.. cd burn pero as a souvenir gifts para padala nila ung mga photos and videos mo ilagay sa cd or dvd with personal case pati ung cd cover, remembrance ng kanilang project, thesis, programs, exams, documents.
e. id maker, paper cutter, dapat kasama sa to sa b. pero ihiwalay ko na rin. kasi pwede ka rin mag sideline ng mga pvc id(nasa 8k ata complete equipment nito,) hindi lang target ang mga schools even mga peers yan ang ilagay mo pvc id, pwede din gawing souvenirs di ba ok din? tapos meron din mga customize cutters for 1 x 1, 2 x2 ewan ko lang sa 3r kung meron kasi medyo matagal kapag paper cutter eh.. tapos pwede rin ung calling card, invitaion card... be creative nalang..
f. eto pwede din patok sa school at mga bagets ung gagawa ka ng web/html editing,, kahit ung sa pag edit lang ng friendster, paglagay ng video sa youtube, pag organize ng multiply site.
g. xerox machine add income din to eh.
h. healthy foods and drinks candies. messy hanap ka ng extrang tagalinis. di ba parang may mini store sa shop mo..(ay di pala related sa computer to pero paggutom ka sa kakalaro ng computer o kaya sa tagal ng kakaretoke ng mukha mo sa photoshop related pa rin ba hehehe basta offer eh. tsaka ang pagkain para sa health mo na rin)
7. know all the updates hardware and softwares, news baka iraraid na pala ang lugar mo papt... sa mga updates sabihin na natin ung mga virus, o kaya naman may bago palang alternative para sa deepfreeze, ung mga protective measures mo just incase magcorrupt ung windows mo may easiest way para lahat na ng games madali mo mairerestore norton ghost or acronis... hardwares as games update and specs needs dapat alam kung san ka kukuha ng affordable place to buy.. for me 2 years outright replacement warranty ng QUBE is the best.. no waste of money in 2 years... after 2 years sell mo na ung mga units pag ok pa use them.. then make sure you renovate your shop para mamaximize ung usage ng remaining space. adding more units can attract more customers.
8. be active with forums, events, and gathering tulad po ng ULOP at ang internet cafe congress. marami ka pong matutunan sa kanila. makikita po ninyo ang iba't ibang ideya sa hilig nyong negosyo. sa totoo lang po napakarami ng mga internet cafe ngayon kaya give the best offer you can by the help of others and their ideas.
9. spend time with yourself kasi parang pagmamahal mo na po sa sarili ang pagbibigay oras sa sarili mo. baka po kasi trabaho ka ng trabaho nakalimutan mo na ienjoy ang sarili mo kahit magbeach, nood ng sine, out of town kasama ang pamilya mo.. kaya po tayo nagwowork or business para magkaroon ng makain at maenjoy ang sarili pati ang pamilya natin...
10. share your blessings, pag aniversary ng shop mo pakain ka sa mga customers mo. then give aways. lagi ka po pasalamat sa Panginoon natin na araw araw ay nabubuhay ka binbigyan ng pagkakataon para makapag isip na mahalin ang sarili mo. dahil ang pagmamahal sa sarili ay isang magandang paraan para mahalin mo ang Diyos, pamilya, negosyo mo at ang mga taong nakapaligid sayo.
No comments:
Post a Comment