Monday, July 25, 2011

Another batch of jokes :)))

Professor nag-le-lecture at nahuli ang isang estudyante nag-de-daydreaming...kaya tinawag:

"Ms. Cabon, anong parte ng katawan ng tao na lumalaki ng ten times sa size nito pag na-e-excite?"

Napasagot ang babae: "Ah...eh...sir ayaw ko sagutin...censored yun eh..."

Sagot ng professor: "Anong censored? Ang tamang sagot ay ang pupil of the eye, at sa tanong na yan makaka-assume ako ng dalawang bagay: na hindi ka nakabasa ng assignment, at ma-di-disappoint ka lang pag ikinasal ka..."


---------------------------

"Mr. Tono, you're going to fail at my subject" Sabi ng professor.

"Eh sir, bakit? Nakapasa naman ako ng final exam!"

"Alam ko, pero nangopya ka sa seatmate mo!"

"Sir hindi ha! Bakit nyo nasabi?"

"Ito ang test paper mo...alam ko dahil sa handwriting mo. At ito ang ebidensya: kinopya mo rin ang pangalan ng seatmate mo!"


------------------------------

Judge sa rapist: Bibigyan kita ng short sentence...
Convict: Hehe thank you judge...
Judge: Life!
Convict: TEKA anong SHORT SENTENCE? Habang buhay yun ah...
Judge: Isang word lang ang "Life" eh...bakit may mas maliit pa ba na sentence dun?

-----------------------------

Kaparehong judge:

Judge: Ikaw, murderer, sentensiya mo suspended...
Convict: Thank you judge!!
Judge: Anong 'thank you'? Suspended as in ipapabitay kita...

No comments:

Post a Comment