"Mahal kita" yan ang katagang binitawan ni fernando sa kanyang kaibigan na si sisa habang sila ay naglalakad sa isang avenida sa bandang paco sa manila. Ngunit di nya inaasahan na ang lahat ng pangarap nya ay maglalaho na parang bula sapagkat ang sagot ni sisa ay di tugma sa nilalaman ng isip nya. "Mahal rin kita fernando, pero hindi pa ako handa para sa isang seryosong relasyon pwede mo ba ako bigyan pa ng konting panahon" sambit ni sisa. Wala naman magawa si fernando, ang nasabi na lang nya ay "ok sige, maghihintay ako" at sabay silang naghiwalay ng landas dahil magkaiba pa rin naman ang bahay nila.
Matagal ng magkakilala si fernando at sisa, mga 10 taon na simula ng lumipat sila fernando mula sa sorsogon dahil sa trabaho ng tatay nya. Tadhana ngang matuturing ang kanilang pagtatagpo, dahil sa isang tindahan kung san bumibili si fernando ng mga kagamitan para sa bahay ay dun sila nagkabanggaan at nagkakilala.
"Tao po, nandyan po ba si sisa?" Bigkas ni fernando habang kumakatok sa bahay nila sisa para siya ay sunduin. "Ay fernando iho, nakaalis na si sisa may sumundo sa kanya kanina di ka ba nasabihan?" Sambit ng ina ni sisa. "Ganun ho ba, di po kasi nya ako nasabihan eh. Balak ko po sana siyang ihatid kaso nakaalis na po pala siya, sige ho ako ay aalis na at malelate na po ako."
Simula noong magkakilala sila fernando at sisa ay halos araw araw na silang magkasama. Pagkagaling sa eskuwela dumiderecho na si fernando sa paborito nilang tambayan ang siomain ni manong pol. Doon eh madalas silang nagkukuwentuhan ng kung ano anong mga bagay masaya man o malungkot. At dahil sa kanilang madalas na pagsasama ay dahan dahan ng nahulog ang loob ni fernando kay sisa.
"Sino yung kasama mo kagabi?" Tanung ni fernando kay sisa. " wala, kaibigan ko lang yun bakit mo naman naitanung?" Padepensang sagot ni sisa. "Aaayain sana kitang manuod ng sine eh, kaso umalis ka nga daw sabi ng nanay mo kaya di na lang." Sagot ni fernando. "Hayaan mo babawi ako sa iyo fernando magset tayo ng date, ok?" Sabi ni sisa sa kaibigang si fernando. "Oh sige ah mga next next week pwede ka ba?" Patanung ni fernando. "Oo sige pwede ako." Sagot ni sisa. At naghiwalay and dalawa na may ngiti sa labi.
Pagkatapos nilang manuod ng sine, ay dun na nga nagtapat ng damdamin si fernando kay sisa. Dahil sa mga pangyayari nasira ang matagal nilang pinagsamahan at tila nailang ng lumapit si fernando kay sisa o dumalaw man lamang sa bahay niya. Lumipas ang mga taon na tuwing sila ay nagkakasalubong ng landas ay tila para bang di sila naging malapit sa bawat isa at ang tanging pumapagitan na lang sa kanila ay ang mga tango at ngitian na sa likod ay pait at lungkot ang katumbas.
P.S. Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang, ano man ang pagkakahawig o pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya. Hango ito sa aking ginawang script noong ako ay second year college, subalit iniba ko ang tema at hinati ko ito base sa kung paano ang kwento ng bawat kasapi ng istorya.
No comments:
Post a Comment