April 15, 2011 isang araw na sobrang nagbigay ng saya sa buhay, ko at isa ring bagay na talaga namang dumurog hindi lang ng puso ko, pati na rin puso ng aking mga, kaklase at kaibigan.
Limang taong pagsasama, mula june ng 2006, hanggang april ng 2011, isang karanasan humubog sa akin bilang isang tunay na estudyante, kaklase, kaibigan, kaaway, at ang pinakamatindi sa lahat bilang isang kapatid sa mga taong estranghero sa simula.
Limang taong pagsasama, naaalala ko pa ang masayang pagdodota namin noong first year palang kami, at dahil rin sa dota nagkakilala ang mga lalake sa klase namin, at yung mga babae nakilala lang namin sa recollection noon, at syempre dahil na rin sa paglipas ng panahon. Bitak bitak ang mga grupo namin at di ko aakalain na bandang huli dahan dahang mabubuo yun kahit papaano.
Limang taong pagsasama, tandang tanda ko pa ang sobrang petix na year namin, petix kasi ang pinaka-main na ginawa lang namin ay movie making, wala ng kwenta ang math sisiw na sa kanila. at oo nga pala ang makasaysayang banda na the vinolunteers, kung istorya ang tatanungin mo, well nasa pangalan na niya.
Limang taong pagsasama, sa panahong ito, nagsimula silang maintroduce sa impyerno, dahil sa irregular student ako, di ko dinanas ang direktang apoy na nagmula kay satanas, damang dama ko lang ang tensyon pag naguusap na sila nung mga oras na yun, kasi dumudugo na ang ilong ko at tenga ko, dala na rin yata dahil makaDiyos ako kaya di kinaya ng powers ko ang makinig sa malademonyong level of academics nila. ang mahalaga sa panahon ito naghihintay ako para kahit papaano makasabay ko sila pauwi.
Limang taong pagsasama, dahil sa sobrang busy na sila, talagang gumagawa na ako ng paraan makasama sila, kahit sa maikling panahon ng pagbabasketball namin sa hanging court. Syempre pag mas maaga uwian ko hinihintay ko na sila, para sabay sabay kami umuwi. Dito nagsimula ulit ang magkaroon ng gap sa mga magkakaklase, dahil sa isang subject lumalabas ang mga tunay na kulay ng bawat isa sa kanila. Ako mas naintidihan ko na yung mga nagpaduo ng tenga ko na pinaguusapan nila, at syempre nakatingala na talaga ako pag tinitignan ko silang umangat ng umangat.
Limang taong pagsasama, ang huling yugto ng buhay nila bigla mga hamak na scholar ng mga magulang, huling yugto rin ng buhay kong makakasama sila sa loob ng p1, makikitang naghihirap sa dirty lab, makikitang nagiisip sa B.E.2, pagtatawanan sa digilab, makasamang mag dota, at counter strike sa loob ng comms lab, syempre ang tumulong sa thesis nila sa instrulab, ang magbasketball sa hanging court, gym at grade school quadrangle, at ang maging test subject ng mga thesis nila. Huling beses ko na rin silang makakakasama mag dota at counter strike sa bravado o earthlings na kahit nagmumurahan kami sa paglalaro nanatili pa rin naman kaming magkakaibigan. Huling beses ko na ring makikita ang mga magkakaklase at magkakaibigan na nagkatampuhan at nag ka traydoran, pero bandang huli nagkakausap at nagkakabat rin. huling yugto na rin ng panggagago, pangaasar, panglalait, at pagpupuri sa mga kaklase ko na ang iba ay itinuring ko na ring parang kapatid.
Kaya sa graduation nila nung april 15, 2011 damang dama ko ang epekto na magaling lang talaga ang Diyos, sa bawat isa sa atin. Damang dama ko ang isang malaking tuldok sa buhay ko, tuldok na pumutol sa isang linya, tuldok na nagsasabing eto na naman ang isa sa mga chapter ng buhay mo na natapos na at naghihintay na lang ng kasunod. Ngayon nauna na sila, inihanda na nila ang daan, masasabi ko na rin sa sarili ko, sa wakas tapos na kayo dyan, eto na ang oras AKO at KAMI NAMAN!!!
CHRISTIANBUTCHPLONGDJONJVJANJANKITDAXJASONALEXKICHMITCHDONAYJOAN
sigurado ako mamimiss nyo ako, at mamimiss ko kayo
No comments:
Post a Comment