Monday, June 19, 2017

Sapot!

   
 

"Andito ka, pero wala ka." Simpleng kataga, kung kanino man siya nanggaling ay di ko alam pero kung imbento ko lang ang salitang ito mas maganda. 

  Habang sinusulat ko ito nasa harap ko ang magkasintahang hindi naguusap at parehas lang nakaharap sa kanilang mga cellphone, kung ano ang ginagawa nila sa nakita ko parang kulay blue at maraming letrato. 

  Di na alintana, na nilamon na tayo ng internet. Madalas mas naniniwala pa tayo sa sinasabi sa loob ng isang website keysa sa mga bagay na aktwal. Na ang kathang isip na bagay katulad nitong sinulat ko ay mas solidong pinaniniwalaan keysa sa mga bagay na nakikita mo.

  Mahirap ng iwasto ang nakasanayan at inasahan na ng tao sa halos ilang dekada. Nakakalungkot lang isipin na halos lahat ng tao sa mundo, kasama ako, ang hindi makakakilos pag nawala ito.

  Di ko naman sinasabi na walang tulong ang internet, dahil sa internet ko rin inilalagay ang mga sinusulat ko. Ang sa akin lang ay sana, mayroon tayong wastong kaalaman kung paano siya gamitin ng tama, at ng may hustisya.

  Bilib rin naman ako sa mga taong todo ang gamit sa internet para magpakalat ng kanyang salita o gawa. Pero dumadating din sa punto na sa sobrang dami na ng kanilang nailalathala kaya ako na mismo ang sumusuko sa pagtingin o sa pagbasa ng mga ito.

   Ayaw ko na lang sigurong paulit ulit makabasa ng mga artikulong di ko alam kung totoo o hindi. Ayaw ko na lang sigurong makakita na nagpapasalamat ka sa Diyos pero ang katotohanan ay gusto mo lang maipakita sa lahat ng tao na kaya mong bumili ng bagay na wala sila. Ayaw ko na lang sigurong damdamin ang mga makaDiyos na salita pero pagdating sa gawa hipokrito pala. Ayaw ko na lang sigurong marinig ang pagwawala mo sa nangyayari sa buhay mo, at pagkagalit mo sa kung kanino pero pag kaharap mo tinatago mo kahit anino mo. At higit sa lahat ayaw ko na lang sigurong makita araw araw, oras oras, at minu minuto ang pagmumukha mo.

  Siguro nga di ako para sa internet, dahil ugali ko na pansinin ang lahat. Pero nabubuhay ako na ang lahat ay may malayang pamamahayag, napili ko lang ang internet dahil sa lawak ng nasasakupan niya. 

  Pasensya na lang sa mga tinamaan ng hinaing ko pero ito ang totoo at nakikita ko. Kung opinyon ko to sa paningin mo, magisip ka, dahil alam ko ikaw mismo sang ayon sa mga sinabi ko.

Bilang bonus: panuorin ito
https://www.youtube.com/watch?v=CauSPiYZ7_E

galing dito ang larawan

No comments:

Post a Comment