Tuesday, May 14, 2013

PLUMA



Kung tatanungin mo ako ano ang pinakagusto kong gawin sa buhay, tatlong bagay lang naman ang ultimate past time ko na sa tingin ko eh may pagkakapareho sa iba. 

Una ay ang paglalaro ng computer games. Simple lang naglalaro ako ng computer games dahil dito ay nagagamit ko ang utak ko para malibang at magubos ng oras. Dagdag pa diyan, sa computer games halo halong emosyon ang madarama mo, may action, may drama, may comedy, may pampatakbo ng isip at marami pang iba na di kayang gawin ng simpleng gawain lamang yun yung sa tingin ko kaya maraming nahohook sa mga computer games lalo na dun sa mga games na nasa handheld devices dahil kahit san pa sila ay siguradong may ginagawa sila.

Pangalawa ay yung pagbabasa. Namana ko na yata sa angkan ng nanay ko ang pagkamahilig sa libro, kaya kahit sa internet ang gawain ko ay ang magbasa ng kahit ano anong articles na mukhang interesado, kahit di kakapulutan ng kakukalang aral basta masaya at nakakaaliw basahin ay pwede na. Isa pa kaya ako nahilig sa pagbabasa kasi kahit matanda na ako ay matindi pa rin ang lawak ng aking imahinasyon, kasing tindi yata ng sa bata, kaya pag nagbabasa ako pumapasok ako sa mundo ng mga binabasa ko at narerelax ang utak ko dahil kahit papaano nalalayo ako sa kaguluhan ng tunay na mundo. Isa pa nahilig ako sa pagbabasa dahil sabi nila isa daw tong sandata laban sa kamangmangan, at sa pagbabasa ko feeling ko ako si leonidas ng sparta kasi kahit ano pang itapat sa akin kahit papaano eh may pantatapat ako, kumbaga eh kahit papaano eh in ako.

At higit sa lahat na pinakapaborito kong panglibang eh ang pagsusulat. At dahil di na uso ang papel, natuto ako na magblog wala man ako gaanong audience isa lang ang nasa isip ko ang mailabas ang nasasaloob ng damdamin ko. Minsan nga pagbinabasa ko yung mga nasulat ko nabibigla ako minsan sa laman dahil kasi habang nagsusulat kasi ako ay di na ako yung taong dati kong kilala, dahil habang nagsusulat ako ng aking mga akda ay parang nagiging ibang tao ako. Minsan nga napatananong ako kung bakit may mga pen name ang mga writers, lately ko lang narealize na kaya pala sila nagpepen name ay dahil pag sumusulat na sila ibang tao na yung nagtetakeover para bang split personality kaya ganun. Minsan nga natanung sa akin bat ka nag engineering, eh may potential ka naman palang maging journalist, sabi ko di ko rin alam eh, basta natripan kong sumulat ayun lumabas na lang siya bigla.

Naiarrange ko yung tatlo di sa bilang ng pinakapaborito ko, naayus ang tatlo sa pagkakasunod ng kung gaano ko sila kadalas nagagawa, nasa ikatlo ang pagsusulat dahil sa kadahilanang mahirap isulat basta basta ang nasasaloobin ng damdamin.

Mukha mang baduy ang past times ko maliban dun sa computer gaming, pero para sa akin kahit alisin mo na yung paglalaro, basta nadun ang pagbabasa at pagsulat ay masasabi ko sa iyo buo na ang araw ko.

galing dito ang larawan