Saturday, November 20, 2010

WTF!!!

matagal, tagal rin akong hindi nakapagkuwento dito. Siguro dahil mas iniintindi ko ang pagtakip sa tenga ko para makatulog sa gabi. Hinayupak kasi na mga aso ng kapitbahay walang ginawa kundi magkagatan, kaya yun iyak ng iyak.

Halos matagal tagal ring ganun ang scenario, matutulog ako ng mga alas dos ng madaling araw tapos, magigising ako ng mga alas sais y' medya para matulog ulit pero badtrip lang pag pikit ko ng mata ko...... ayun kinagat ni mas malaking aso yung kapatid nya, edi iyak na naman, resulta tuluyan na akong magigising at mapipilitan na akong gumawa ng gawaing bahay.

Ang kinaiinisan ko lang kasi yung may ari nung aso di man lang pagbawalan yung mga alaga nila, siguro dahil sila rin mismo ay isa sa mga dahilan kung bakit maaga rin akong nagigising, wala na yatang araw di sila nagbugbugan at nagsigawan. Ang masama pa dun yung dalawang bintana nila malapit sa bintana ng kwarto ko, kaya ayun live broadcast... isa na nga lang inaabangan ko eh, ang pagpopoy nung mayari at nung pangalawa nyang asawa. Ay oo nga pala yung mga dialogues around the vicinity na pinost ko 90% dun galing sa kanila, ni revise ko na lang yung iba for their privacy... hehehehe

Right now magiisang linggo ng tahimik yung buhay ko, wala na kasi yung mga aso. Ewan ko navetsin na yata ng ibang kapitbahay(wag naman sana, maawain rin naman ako sa hayop), pinamigay ng may ari( dahil one day na wala ako eh naging peaceful sila for a moment at narealize nila na maingay aso nila... tsk tsk tsk sayang di ko narinig yun), or walang pampulutan kaya ayun kinatay n lang :(...

at dahil nakabasa ako ng ibang blog well sabihin nating nainspire uli ako :D... kaya masasabing welcome back :D gori