Monday, August 31, 2009

Mga actual quotes na narinig ko around our vicinity part 1

Minsan ang drama hindi lang napapanuod sa TV kundi nakikita rin sa tunay na buhay. Madalas ang magagandang drama sa tunay na buhay napapanuod at nakikita. Etong mga sumusunod ay mga dialogues na nasambit ng mga taong ang vicinity eh di masyadong nalalayo sa aming bahay. hehehe kaya gud luck!!! kung gusto nyo magdagdag pakisend na lang sa email add ko panganiban6@yahoo.com o kaya mag comment na lang kayo ok...

1. Tatay: "P****G I*A ka walang kang kwentang anak. Lumayas ka dito!!!!! ayaw kong makita ang pagmumukha mo"
Anak na lalake: Kung ayaw nyo sa akin dahil walang kwenta ako, " tandaan nyo wala akong kwenta dahil mas wala kang kwentang ama para sa amin."

2. Anak na babae(umiiyak): Tama na Pa walang namang kasalanan si (tago natin sa pangalan na bunso) eh!!!
Tatay: Ah basta!!! gago tong batang to eh sya huli kong nakitang may hawak nung paso, kaya sya talaga nakabasag nun( tuloy sa pagpalo)
Bunso:Aray!!! Hawak ko lang yun para ayusin tapos iniwan ko na ayus yun!!! Tatay: Aba sumasagot ka pa ah!!! (sabay palo gamit ang stick na yantok)
Bunso: Anu bang ginawa ko!!?? para magawa nyo sa akin to!!! "ginawa nyo ba ako para lang may nagugulpi, at napapagbintangan kayo?"

3. Anak na babae: Ma!!! wag kang umalis, dimo na ba mahal si papa??!!
Nanay: "Kung hindi ko minahal ang papa nyo sana noon pa lang iniwan ko na kayo."

4. Anak: Bakit ba ganun lagi na lang dapat siya ang nasusunod kahit, mali siya pa rin ba dapat ang masunod " matagal na akong nagtitimpi kung di ko lang siya mahal matagal ko ng nakuwestiyon at nasaktan yan."

5. Tatay: " Dugo't pawis ang binuwis ko para lang lumaki kayong maganda ang buhay,at para mapag aral ko kayo sa magandang eskuwelahan, tapos yan pa ang isusukli mo sa mga paghihirap na ginawa ko!"

Eto lang muna!!! may part 2 pa to so intay na lang kayo kung makakapagdag dag kayo dag dagan nyo ok, mail me or leave a comment in my posts...