Monday, December 8, 2014

Puno't Dulo: Ikalawang Bahagi (katapusan ng baliktaran)

   


   "Fernando pwede ka bang makausap?" Bigkas ni sisa kay fernando ng sila ay magkasalubong sa simbahan sa may Sta. Ana. "Huh? Pwede naman, ano ba ang paguusapan natin?" Pailang na tanung ni fernando. "Bakit ka lumayo sa akin?" Wika ni sisa. "Simple lang naman eh, gusto mo ng oras para makapagisip isip edi binigyan kita ng oras at espasyo para mapagtanto mo kung keilan ka magiging handa sa mga posibleng mangyari sa ating dalawa." Sagot ni fernando. "Sana kahit ganun ang isinagot ko eh, di mo pa rin ako iniwan, di ka sana nawala." Wika ni sisa. "Kasalanan ko oo dahil di ko pinaglaban ang nararamdaman ko pero natatakot din kasi akong pag kinulit kita eh magalit ka sa akin at ikaw ay tuluyang mawala." Sagot ni fernando. Di na nakaimik si sisa at nanahimik na lang sa isang tabi. "Ikakasal na ako fernando."

   Matagal na nakatitig lang kay sisa si fernando. Di nya alam ang gagawin o magiging reaksyon sa balitang kanyang natanggap at ang tanging nagawa na lamang nya ay napaupo at nagtanong. "Mababawi mo pa ba yan sisa?" Paiyak na tanung ni fernando. "Hindi na, mahal ko si guiller dahil siya ang nagpasaya sa nagluluksa ko na puso noong ikaw ay nawala. At kahit minahal kita, di pa rin nito mapapantayan ang pagmamahal ko kay guiller. Tinanggap ako ni guiller kahit ano o sino pa ako, at ni minsan di nya ako iniwan kahit alam nyang matagal tagal siyang maghihintay." Tugon ni sisa.
Napatulala lang si fernando, sabay umalis at iniwang umiiyak si sisa.

   Lumipas ang dalawang taon, sa isang bahay sa Sta. Ana, may isang lalaki ang nakatitig sa magasawang natutulog. "Magbabayad ka guiller." Sambit ni fernando. Ngunit ang di nya alam ay naalimpungatan si sisa, at ng babarilin nya na si guiller ay humarang si sisa. Tumagos ang bala kay sisa at parehong napuruhan ang mag-asawa, sa pagkakataong iyon umalis si fernando at nagtago. Pagkalipas ng matagal na panahon nabalitaan nyang buhay si guiller kaya ng nagkaroon siya ng pagkakataon ay pinagmatiyagan nya ang lahat ng kilos ni guiller. Hanggang sa isang araw ng sinorpresa ni guiller si dario ay siya rin naman nyang sinorpresa sila guiller. Di na nakapalag sila guiller ng bigla nagpakita si fernando, ang tangi na lamang nilang nagawa ay ang sumalo ng bala mula sa baril ni fernando.

   "Tapos ka na rin guiller, tapos na kayong lahat." Sabay tinutok ni fernando ang baril sa sentido. Mahaba ang gabi, marami ang nangyari pero ang akala mong wala na sa mundong ibabaw ay nanatiling buhay. At ang sanhi ng lahat ng mga pangyayari ay isa na lamang masamang alaala dahil ng gabi rin iyon ay nakarinig ng putok sa bahay na tinutuluyan ni fernando. The end

   Matagal ko ng naisip gawan ng isang malikhain istorya ang baliktaran, ngunit di ko agad ito nagawa sa kadahilanang wala pa akong sapat na kagamitan para siya ay maging isang ganap na maikling kwento. Higit anim na taon din ang ginugol ko para kumalap ng mga karanasan para tapusin ang masasabi ko na aking unang nilikhang istorya. Sa kung ano man ang pagkakahawig nito sa tunay na buhay o buhay ko ay di sinasadya. Sa katapusan ng kwentong ito nawa'y nasiyahan kayo sa aking ginawa, at marami pang susunod na mga kwento mula sa manunulat na si jobonane. 

P.S. may part two pa sana akong gagawin base sa ano ang nasa palabas na ginawa namin, kaso naisip ko na masyado ng naging madilim ang tema ng istorya kaya sa huli ay tinapos ko na ang dapat tapusin.

Sunday, December 7, 2014

Puno't Dulo: Unang Bahagi





"Mahal kita" yan ang katagang binitawan ni fernando sa kanyang kaibigan na si sisa habang sila ay naglalakad sa isang avenida sa bandang paco sa manila. Ngunit di nya inaasahan na ang lahat ng pangarap nya ay maglalaho na parang bula sapagkat ang sagot ni sisa ay di tugma sa nilalaman ng isip nya. "Mahal rin kita fernando, pero hindi pa ako handa para sa isang seryosong relasyon pwede mo ba ako bigyan pa ng konting panahon" sambit ni sisa. Wala naman magawa si fernando, ang nasabi na lang nya ay "ok sige, maghihintay ako" at sabay silang naghiwalay ng landas dahil magkaiba pa rin naman ang bahay nila.

Matagal ng magkakilala si fernando at sisa, mga 10 taon na simula ng lumipat sila fernando mula sa sorsogon dahil sa trabaho ng tatay nya. Tadhana ngang matuturing ang kanilang pagtatagpo, dahil sa isang tindahan kung san bumibili si fernando ng mga kagamitan para sa bahay ay dun sila nagkabanggaan at nagkakilala.

"Tao po, nandyan po ba si sisa?" Bigkas ni fernando habang kumakatok sa bahay nila sisa para siya ay sunduin. "Ay fernando iho, nakaalis na si sisa may sumundo sa kanya kanina di ka ba nasabihan?" Sambit ng ina ni sisa. "Ganun ho ba, di po kasi nya ako nasabihan eh. Balak ko po sana siyang ihatid kaso nakaalis na po pala siya, sige ho ako ay aalis na at malelate na po ako." 

Simula noong magkakilala sila fernando at sisa ay halos araw araw na silang magkasama. Pagkagaling sa eskuwela dumiderecho na si fernando sa paborito nilang tambayan ang siomain ni manong pol. Doon eh madalas silang nagkukuwentuhan ng kung ano anong mga bagay masaya man o malungkot. At dahil sa kanilang madalas na pagsasama ay dahan dahan ng nahulog ang loob ni fernando kay sisa.

"Sino yung kasama mo kagabi?" Tanung ni fernando kay sisa. " wala, kaibigan ko lang yun bakit mo naman naitanung?" Padepensang sagot ni sisa. "Aaayain sana kitang manuod ng sine eh, kaso umalis ka nga daw sabi ng nanay mo kaya di na lang." Sagot ni fernando. "Hayaan mo babawi ako sa iyo fernando magset tayo ng date, ok?" Sabi ni sisa sa kaibigang si fernando. "Oh sige ah mga next next week pwede ka ba?" Patanung ni fernando. "Oo sige pwede ako." Sagot ni sisa. At naghiwalay and dalawa na may ngiti sa labi.

Pagkatapos nilang manuod ng sine, ay dun na nga nagtapat ng damdamin si fernando kay sisa. Dahil sa mga pangyayari nasira ang matagal nilang pinagsamahan at tila nailang ng lumapit si fernando kay sisa o dumalaw man lamang sa bahay niya. Lumipas ang mga taon na tuwing sila ay nagkakasalubong ng landas ay tila para bang di sila naging malapit sa bawat isa at ang tanging pumapagitan na lang sa kanila ay ang mga tango at ngitian na sa likod ay pait at lungkot ang katumbas.


P.S. Ang istoryang ito ay gawa-gawa lamang, ano man ang pagkakahawig o pagkakatulad nito sa tunay na buhay ay di ko sinasadya. Hango ito sa aking ginawang script noong ako ay second year college, subalit iniba ko ang tema at hinati ko ito base sa kung paano ang kwento ng bawat kasapi ng istorya.