Monday, October 20, 2014

Isa-isang hakbang






"Ang matamis na ngiti. Marikit na mukha. Ehemplo ng isang dyosa. Na nagmula sa langit" - Dante

     Napakarami ng nangyari sa buhay ko, sa loob lamang ng mahigit kumulang na isang taon. Maraming katuwaan, iyakan at mga natutunan na ibabaon ko hanggang sa ako ay bumalik sa aking pinanggalingan. 


     Di ko lubos akalain na sa isang iglap lang ay mababago ang kinagisnan kong buhay.  At ang lahat ng bagay na aking nakasanayan ay aking itinabi pansamantala para ako ay maging handa sa aking bagong lugar na pupuntahan.


   Ako ay natuwa sa mga nangyari sa akin noong nakaraang taon, sapagkat sa mga panahon na iyon ay nakilala ko na ang natatanging tao na makakapagpasaya sa akin panghabambuhay. Pero lahat ng aking inaakala ay nagkamali at ang tuwa ay nauwi sa iyakan.


   Iyakan na walang luha, iyakan ng nararamdaman ng isang puso na naghahanap ng kalinga sa isang tao di naman pala ibibigay ang hinihintay nito na kapalit. Umasa sa wala at higit sa lahat ay umasa na may mangyayari sa isang blangkong papel na wala naman may gustong sulatan.


     Pero sa gitna ng kalungkutan na dulot ng mga nangyari na, marami ang mga leksyon ito ay nailathala. Itinuro nito sa akin ang mga bagay ay hindi lahat dapat binibigay hanggat di pa ito hinihingi. Natutunan ko a na dapat kang manatili at tapusin ang isang bagay bago lumipat sa isa. Marami akong natutunan at hinding hindi ko ito makakalimutan.


    Isang tao lang ang kinailangan ko, isang taong  na kahit papaano ay sumukli sa konting oras na ibinibigay ko para sa kanya at sa aking sarili. Di ko man inaasahan na siya ay makilala sa panahong ito, pero ayan siya at dumating at siya lamang ang tao na dahan dahan ulit na nagpatibok ng aking puso. Di ko pa siya lubos na kilala pero salamat sa kanya dahil muli na ulit tumitibok ang puso kong nadurog at nasugatan. At ang aking tanging hiling ay maramdaman niya sana na hanggang sa dulo ng mundo ay kaya ko siyang mahalin.



galing dito ang larawan