Sa dinadami dami ng ginagawa ko sa buhay, at sa sobrang hectic ng trabaho ko nakalimutan ko na na isa nga rin pala akong manunulat na hilaw. Nakalimutan ko na ang nagmulat sa aking isipan na ang mga hinaing ko sa buhay ay kailangan ilabas sa pamamagitan ng pagsusulat. Pero ang istorya ay hindi tungkol sa akin, siguro humanap lang ang Diyos ng instrumento para maibahagi sa iba ang kaninyang kwento. Di ko rin alam kung bakit ako ang napili nya, di naman ako magaling, hilaw nga diba. At lalo namang hindi ako sikat, siguro kailangan niya lang maibahagi ang kanyang naranasan at ako na lang ang kilala nya na kayang mailabas to sa madla, kahit na kami lang dalawa ang babasa.
Simple lang ang kwento ng kaibigan ko. Pero para sa akin ang makinig sa kanya ay sapat na para matuto ako at makahinga siya ng maluwag. Itago natin siya sa pangalan na Dante at eto ang kanyang mensahe sa akin.
"Ako si dante, sa pangalan ko palang alam mo naman na siguro kung ano ang kasarian ako, at wag mong sabihin nasa gitna ako dahil bata palang ako sigurado ako derecho na ako. Maiksi lang itong ikukwento ko sa iyo, kung tutuusin ilalabas ko lang ang sama ng loob ko, ayaw ko sana pero gusto ko kasi para may maisulat ka sa blog mo, matagal tagal na akong walang nababasang bago eh. Nilapitan kita dahil alam ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Nababagabag kasi ako sa mga pangyayaring nakita ko at di ako natutuwa sa nangyari. Di ko kasi lubos maisip kung bakit nangyari yun, marami pa akong napagtanungan kaya alam ko na imposibleng mangyari iyon. Alam kong dapat ko na siyang paghandaan, at sa totoo lang medyo nakapaghanda naman ako sa posibleng mangyari. Pero nakakagulat pa rin na ang hindi dapat mangyari ay nangyari na at nakita ko,totoo na siya at hindi na magbabago yun. Kaya ko naman sana siya tanggapin, kaso ang hindi ko matanggap eh parehong naitago ang dapat naman ng nakalabas, kaya ang lumabas nasaktan ako kaibigan dahil lumabas na isa lang pala akong uto-uto na nagpadala sa daloy ng mga salarin at wala na akong magagawa kundi ang lumayo. Lumayo sa kasiyahan ng mga pangyayari na ang iba ay masaya pero ako ay blangko.
Mali rin siguro na masyado akong nagtiwala. Mali rin siguro na masyado kong binuksan ang sarili ko. Dahil ngayun di na kayang takpan ng bango ang baho na ipinamahagi ko. Bihira lang naman ako magtiwala, pero nung sinubukan ko nasira ang mga pundasyon na ginawa ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa mga bagay na aking nagawa at gagawin pa lamang. Wala ng ibang paraan, dahil hanggat nangyayari ang di ko inaasahan ay patuloy lang akong nasasaktan. Kung nasabi lang sana na noon pa na mangyayari siya eh sana di ako ganito ngayun, lumabas na ako'y nalinlang. Nalinlang ng sobrang lupit, na para bang ako ay tinarakan ng patalim sa likod.
Wala na akong magagawa, at pagod na rin akong maghintay sa isang kalokohang di na muling magiging totoo. At sa mga may gusto pang maibalik ang dating saya, wag nyo nang pilitin dahil ako na mismo ang hihinto para di ko makamit ang inaasahan nyo. Basta ngayun ang alam ko lang, wag ka basta basta magtitiwala kahit na sa sarili mo."
Nagulat ako sa kwento ni dante, dahil di ko inakala na ganoon na pala kalalim ang nilalaman ng puso niya. Di ko man lamang naisip na bigyan siya ng oras at kausapin siya. Di ko man lamang nagawan ng paraan para maging masaya siya. Isa pa naman siya sa pinakamatalik kong kaibigan pero ala akong nagawa para mapabuti ang kanyang kalagayan.
Pagkatapos kong mabasa ang sulat niya at maisip kung ano ang dapat kong hakbang para mapasaya siya nagmadali akong nagayus ng sarili para mapuntahan at makumusta siya. At noong malapit na akong matapos ay humarap ako sa salamin, nagulat ako nang nakita ko sa salamin si Dante.
galing dito ang larawan
galing dito ang larawan