Dati tinanung ako ng isang pari nung retreat namin, "ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo ngayung retreat?", ang sagot ko "sana seryosohin nila ako, kasi madalas akala nila nagjojoke pa rin ako pero sa totoo seryoso na ako."
Hindi naman talaga ako ganito noon, ang natural batukan lang ako noong high school eh, napasama lang ako sa kanila sa kadahilanan na sila ang mga barkada ko simula pa nung 1st year high school at masarap pa rin naman kasama kahit masakit paminsan minsan.
Pero wag na yung high school, di maganda ikuwento eh, balik tayo sa ngayun. Hindi naman talaga ako ganito pero nagbago lahat noong college, nagsimula sa nstp, sabi lang nila na mag joke ako for ice breaker daw, tapos simula nun naging joke na ang buhay ko.
Hanggang ngayun, madalas pag nagtatanung sila at sumamasagot ako, di nila masyado seseryosohin, at madalas galit pa sila pag sumasagot ako. Ewan ko ba naretain na lang siguro yung imahe ng tao na lagi ako masaya, lagi akong may biro, pero alam ba nila na sa bawat ngiti at biro na ginagawa ko ay may halong pait at lungkot. Nakakalungkot rin lang dahil alam ko na di na darating ang araw na papakinggan lang nila ako at sasabihin na seryoso ka palang tao sana mas pinakinggan kita noon.
Ok lang naman sana kasi may mga taong makikinig sa akin, sa dami kasi ng kaibigan ko iba't ibang maskara na rin kasi ang naisuot ko para lang makisama sa kanila, kaya di ko gaano pinoproblema. At oo may makikinig sa akin kasi natry ko naman na, pero iba kasi yung marealize nung mga taong halos araw araw mong kasama na mas may kabuluhan pa ang buhay ko keysa sa kung ano ang nakikita nila.
Wala lang, naiirita na lang kasi ako na wala na akong mababago sa perception ng mga tao kung sino ako. Pero kung huhukayin mo ako at titignan kung sino at ano talaga ako, baka mabingi ka sa sobrang tahimik ng maririnig mo sa nilalaman ng utak ko at gustong sabihin ng bibig ko.
galing dito ang picture