April 20, 2012 para sa iba normal na araw lang ito, pero sa akin at sa iba ko pang kaklase, kamagaral, at kaeskuwela eto na yata ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay namin. Kasi sa petsang nakasaad sa umpisa nung kwento ay ang araw ng aming pagtatapos sa kolehiyo.
Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, pero bandang huli pare pareho kaming masaya, madali kaming nakapasok hirap kaming lumabas. Lahat ginawa namin para lang pumasa, prinsipyo namin ay nawala, ang tanging inaasam na lang ay makatapos at makalabas. Makalabas para sa magulang at para na rin sa sarili, para may mapatunayan at may maibakasakali
Pero sa paglabas namin masasabi na ginawa naman namin ang lahat, yun nga lang dadating rin ang punto na kailangan mo ng kumapit sa patalim, ayaw kong magmaasim at ayokong magfeeling magaling. Dahil sa anim na taon ko at lima sa kanila, ang nais ko na lamang ay ang sumunod sa mga yapak ng mga nauna.
Mga nanuna ko nang kaibigan, na masasabi kong nasa mas mataas na lugar ngayun, kunsabagay nararapat lang dahil naghirap rin sila para dun, at ngayun sila ay dahan dahan ng aabot ng kanilang mga pangarap, mga pangarap na minsan naming sabay sabay na ginawa. At sa mga pangarap na iyon kung saan nasa unang baitang na sila at pasimula pa lang ako.

Anim na taon sa akin limang taon sa iba, sa araw na ito ako ay natuwa, dahil ang mga kaibigan ko huminto at bumaba. Bumaba sandali para ako ay samahan samahan sa araw ng aking kasiyahan. Di ko inaasahan na gagawin nila yun pero nadagdagan ang kasyahan ko ng pgkuha ko ng diploma ko ay lahat sila ay nagdiwang. Nagdiwang dahil ang isa sa mga natitira nilang kapatid at kaibigan ay sa wakas hahabol na rin sa kanila.
Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, tapos na ang buhay kolehiyo ko pero may bago na naman, at sa bago kong landas na tatahakin, isa lang ang masasabi ko salamat sa lahat ng mga naghirap, nakipagsaya, tumulong, at tumawa kasama namin. Salamat kila Lorenz, Jv, Djon, Christian, Butch, Kich, Jhena, Gelo, Donay, Wilbur, Dax, at sa dalawang sobrang malaki ang naiambag sa aming pagpasa si Plong at Janjan, sa uulitin maraming maraming salamat :D
Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, mahaba-haba pa ang landas na tatahakin ko pero kakayanin ko. At sa pagtatapos ng isang yugto ng aking buhay ay sigurado naman akong may kasunod naman na ito. At lahat naman na ng ginawa ko at gagawin ko pa lang ay inaalay ko sa aking Diyos na sobrang tinulungan at minahal ako. Dahil sa kanya kaya ako nandito nagpapasalamat, sa lahat ng mga ginawa nyo sa buhay ko. Hanggang sa muli maraming salamat po.