Sunday, December 9, 2012

CARITAS!!!




LOVE o PAG-IBIG, ang salitang sangkatutak ang description pero di naman sakto sa mismong meaning. Madalas ang love ay gamit na gamit to the point na nagiging cliche' na siya sa buhay ng isang tao. At madalas dahil sa sobrang gamit ng salitang ito nawawala na rin ang tunay nyang essence. 

Love-life ang bagay na wala ako since birth, maraming namemeet at nakilala, pero walang humahantong kahit man lamang sa M.U.

Siguro nagtataka kayo eh no? Sa tagal ko ng nagpopost ng mga entries dito sa blog ko eh ni minsan di ako nagkuwento ng tungkol sa love-life.

Di ko rin alam eh bakit ilang ako sa bagay na yan, siguro dahil di naman ako kaguwapuhan, at di rin kagandahan ang built ko kaya iwas ako, pero di yun ang pinagsimulan nun eh. Marami ring dahilan kung bakit hanggang ngayun wala pa rin akong naging karelasyon, at iyun ang ikukuwento ko mula sa pinakamababaw hanggang sa pinakamalalim.

Ang Una sa mga dahilan ko kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil, mas madalas na umiral sa akin ang katamaran. Katamaran in the sense na may mga oras na gusto ko eh nasa bahay lang ako at pahinga mode. Minsan nga eh gumagawa pa ako ng excuse sa mga lakad dahil gusto ko lang humilata sa kama ko para magbasa o maglaro ng mga games sa aking mga handheld devices. Isa na rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit di attractive ang built ko at nababalutan ng taba ang buong katawan ko.

Ang Pangalawa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil di pa ako sanay manlambing. Noong bata pa kasi ako, mas close ako sa tatay ko keysa sa nanay ko, so syempre bihira ko na experience ang paglalambing na ginagawa ng isang ina. Madalas pa nga kaming mag away ng nanay ko dati, kasi feeling ko di nya ako naintindihan dahil ako ay isang big boy na. Pero di naman ako dry when it comes to affections, pag giving of peace naman eh humahalik ako sa nanay at tatay ko, pero yun na ang pinaka intense na paraan ko sa paglalambing. Kahit nga yung magbigay ng regalo hanggang ngayun ilang pa rin ako eh, pero generous akong tao.

Ang Pangatlo sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend ay dahil may fear ako sa babae. Nagsimula yung takot ko nung preschool pa lang ako. Madalas kasi dati akong magbakasyon sa bahay ng kapatid ng lola ko, eh dun sa bahay nila may kalaro akong babae dun, tapos lagi akong tinutukso dun sa girl na iyun, eh para sa isang batang paslit nakakainis yung ganun hanggang sa nagbuild up ng nagbuild up yung fear na pag nadikit ka sa babae eh may mangyayaring di maganda sa katawan mo. At siguro dahil dun kaya ako lumaking torpe... tsk tsk tsk kasalanan to ng mga tito at tita ko dun eh hahaha

Ang Pangapat at pinakagrabeng dahilan kung bakit hanggang ngayun eh wala pa rin akong girlfriend, ay yung fear of rejection. Nagsimula yung fear of rejection ko nung nabasted ako nung taong akala ko ay matatanggap ako bilang boyfriend nya. Eto naman ako, ang agressive kasi naovercome na yung fear sa babae, tapos di man lamang nagresearch kaya ayun sapul! Dun ko natanggap yung text na di naman sa ganun, pagkabasa na pagkabasa ko nun gumuho mundo ko eh. Bigla kong sinara ang sarili ko sa  friendster(Eto pa ang uso noon) at medyo magulo isip ko nun, eh paano basag ang puso ko eh. Nabasag pa lalo kasi nagkabalikan pa ulit sila nung ex nya, habang binabasa ko nga yung message na yun eh, kumakanta sa background yung silent sanctuary ng rebound mo lang pala ako (pero ngayun ko na lang isiningit yan di pa sikat silent noong panahon na iyon). At ang siste eto pa kala ko kasi sila na hanggang dulo, pero ayun naghiwalay rin sila. Friends pa rin naman kami nung bumasag sa puso ko, pero malabo ng kausapin ko ng masinsinan yun, masakit sa puso eh. Taon rin ang binilang bago ako nakapagmove-on sa pagkakabasted sa akin, at sa ngayun dahan dahan na ulit ako nakapagmoveon

Kala ko nga patuloy ng magsasara ang sarili ko pagdating sa love-life eh pagkatapos nung basted reset to one ako eh, tinamad ako, naging insensitive ako, nagkatakot uli ako sa babae, at takot na ako mareject. Kaya ayun hanggang simpleng conversations lang ako mga tipong masasagot lang ng yes or no.

Sa ngayun, dahil dahan dahan na ako nakakapagmoveon, dahan dahan na rin nawawala ang mga epekto nung pagkakabasted sa akin. Ngayun nakikipagdate na ako, kaya ko ng magkuwento ng buhay ko, at kaya ko ng maging touchy sa babae.

Ang tanging kulang na lang eh yung makapagtapat ako ng aking nararamdaman.

sana sa susunod na magpost ako dito, magpopost ako na sobrang saya ko dahil may girlfriend na ako :D

hanggang sa muli :D

galing dito ang picture

Wednesday, September 19, 2012

Real Life Hacks> from tipidpc

Real Life Hack & Cheat

1. When you have forgotten someone's name,
simply say: "I'm sorry, but what was your name
one more time?". They may act offended, but when
they give you their first name, you simply reply,
"No, i meant your last name."(more socially acceptable to forget).
Bingo, first & last name.

2. Lift yourself a little off the toilet if noise is
a concern & you're having a particularly gaseous
bowel movement. The volume will decrease at least 50-60%.

3. Instead of using Ctrl+Alt+Del to pull up your Task Manager,
use Ctrl+Shift+Esc. Many contemporary systems have an extra
screen with "lock computer", "change password", etc.
for Ctrl+Alt+Del combination, but using Ctrl+Shift+Esc
pulls up the task manager directly.

4. Match voice volume with someone you're speaking with,
if they speak fast you speak fast, if they speak softly
you speak softly. It's a subtle way to quickly become "in sync"
with someone else.

5. If you make eye contact with a hot girl, don't be the
first one to break eye contact. It's a game, & you will lose
when you look away first. It takes some practice for
this to not feel awkward, but a subtle smile can earn you
bonus points. Also, in this day & age i think it's safe to say
that girls who expose their cleavage want it to be noticed.
Take a glance or two but don't be greedy.

6. If your shoes smell from foot odor,
treat your feet, not your shoes.

7. Honesty is a virtue. You'll gain more respect
if you're always honest with your dealings.
Don't waste your own time dealing with dishonest people.

8. If you were alive in 2006, you are one of the
many recipients of Time Magazine's Person of the Year Award.
In 2006, Time Magazine gave "Everyone" the award
while making their cover as close to a mirror as possible.
Be sure you mark it on your resume.

9. If someone is attacking you from very close range &
you can't get away, never throw a punch. You may want
to use your other hand to grab the back of their head & pull
them towards you as you swing with your elbow.
Otherwise, you won't get either the hitting surface or the
power needed to actually hurt them & no one likes being
hit in the nose.

10. For essays with minimum page requirement,
if you finish your paper & realize that what you
wrote is a shy of the minimum requirement, Ctrl F your paper
& search for "." and then change the font size of
the periods from 12 to 14. They are the exact
same size, but it causes the paper to be significantly longer.

Update (Jan.30, 2011)

11. Fast toilet cleaning: pour 20oz of coke(or sprite) into
your toilet, let sit for 10 minutes, flush. The acid will clean
your bowl.

12. Find a genre of novels that interests you & spend some
time reading. It will expand your vocabulary & improve
your grammar.

13. Default installations of Windows XP Home have an
unpassworded administrator account. Press Ctrl+Alt-Del twice
on the login screen & you'll be taken to one where you can
enter any username - put in "Administrator", no password
& you're in.

14. Be selfless. Put others before yourself. Not only it is
personally rewarding, it is often reciprocated. Be nice! Open doors
for people. Let people turn when driving. Hold out chairs for
people, etc.

15. rainymood.com & simplynoise.com are the cheat codes for
studying/working without distraction.

16. Be careful when someone asks you about religion.
Few ask out of genuine curiosity; most who bring out the subject
can't stand the thought that others disagree with them, & feel
the need to confirm that others agree with them & convert
anyone who doesn't. Either way no useful conversation will
result. A similar rule applies to politics.

17. If your drive stick & the battery is dead, get some friends,
put the key to the on position, put the car in 2nd & push the
clutch down. Have your friends push your car. When you get a decent
speed going, let the clutch up(this is called "Popping the clutch").
Your car will start & you can drive around for a while to recharge
your battery(provided nothing is wrong with battery or the
alternator).

18. Up, up, down, down, left, right, left, right, repeat until orgasm.

19. If you spill any liquid(red wine, juice, etc.) that will stain
your carpet, pour some salt on it. Work it into the carpet - just rub it in with
your hands. Leave it there for a few hours (for serious stains, up to a day),
& vacuum it out. Voila, stain gone.

20.Make a woman happy & she'll make your life incredible.


Update (January 31, 2011)


21. Cut negative people out of your life.

22. If you are driving an unfamiliar car & you don't know
which side the gas tank is on, just look at the little pump
icon next to the gas gauge on the dashboard. The pump
handle on the icon will be on the side of the tank.

23. 1st Date Cheat Code for Men:
Never tell a girl where you're going or how to dress. Instead,
tell her to "Dress for a first date with a guy she really likes".

Now, pick three places you'd like to go: 1. some place fun
& active(bowling, pool, mini golf, go-kart racing, ballgame,
etc.) 2. something romantic & classy(nice restaurant, upscale
lounge, art gallery opening) & 3. something in between(nice
bar, coffee shop, comedy club).

Now, when you pick her up, let the way she's dressed decide
which you're going to do: If she's wearing something sexy
& revealing(dress, high heels, low cut top, etc.), then she wants
to go somewhere classy & romantic. If she's sporting
some jeans, tennis shoes or flip flops, & a tee, the bowling
ally or pool hall may be a good bet. If she's wearing jeans,
high heeled boots, & nice top or blouse, then she's not really
jonesing for the super romance treatment, & she put in
more effort than mini golf deserves (eighteen holes of
mini golf in heels.... seriously?), so a comedy club or some
place with live music is a good choice.

And never, EVER, do a movie on the first date!

Men, you're going to wear a pair of CLEAN, NEAT jeans,
a pressed stylish down shirt , nice shoes(try to avoid
tennis shoes or sneakers). Works for ANY occasion!

24. If you get brain freeze from eating cold too quickly,
press your tongue against the roof of your mouth as
hard as you can. Voila, instant brain freeze relief.

25. If you need to be sick for something publicly,
eat about half a cigarette. You'll get sweaty dizzy pale clammy
& all around you'll look & feel very sick. In about 20min
after eating, you'll aggressively vomit everything you've
eaten & expel the tobacco that's making you sick.
A dramatic, but effective way to prove sickness.

Tuesday, September 4, 2012

5 aspeto ng buhay




Madalas naririnig at nakikita mo sa horoscope, ang lucky number for the day. Pero hindi ka naman talaga nakakasiguro sa mga sinasabi ng horoscope, dahil sa bukod sa napakavague neto, eh mukha ein naman talagang manloloko ang mga maghuhulang pinapakita na nagsasabi nito.

Pero di ko naman sinabing masama ang mga numero, ang sa akin lang eh di na makakatotohanan na sabihin lucky number ang isang numerong baka hindi mo pa makita sa araw na iyun, at kung makita mo naman sigurado akong di mo rin siya papansin. Pwera lang siguro kung die hard fan ka ng lotto at pwede mong isama sa kumbinasyong itataya o aalagaan mo.

Pero hindi tungkol sa panghuhula, sugal o lotto ang entry na ito. Tungkol pa rin eto sa numero pero isa lang, eto ang number 5. Number 5 ang pinaka may kabuluhang numero para sa tao, dahil 5, ang bilang ng aspeto sa buhay ng tao.

Syempre, magtataka ka ano-ano ang limang aspeto, simple lang explain ko isa-isa sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas, maupo at magbasa.

Ang panlima sa aspeto ng buhay ay ang tinatawag na lovelife, lovelife sa kadahilanan na kayang paikutin ng girlfriend o crush mo ang buhay mo, at kadalasan marami ang natatanggal sa trabaho, nasisipa sa eskuwelahan, napapaaway, nagugutom, di nakakatulog, sumasakit ang ulo, nawawalan ng pera, nababaliw, at minsan pag sumobra namamatay. Lahat ng mga dahilang yan ay sa isang bagay na tinawag na pagibig, pero minsan di pa nga natin maicoconsider na pagibig yan kasi yung iba pampalipas libog lang talaga. Madalas ang lovelife ang sumisira ng natitira pang aspeto ng buhay mo dahil pag mali ang paghandle mo sa lovelife, tiyak ko kakainin niya lahat ng oras mo at wala ka ng magagawa dahil madalas pagtingin mo sa oras ng buhay mo malaki ang naakasaya sa walang kwentang lovelife. At additional sa lovelife din nasisira ang relasyon ng pamilya mo at ikaw, o pamilya ng kalovelife mo at siya, at matagal ayusin minsan pag ang dahilang ng di pagkakaunawaan ng pamilya ay ang lovelife mo.

Pero di naman masama ang lovelife, dahil isa ang lovelife sa mga nagbibigay ng lakas sa iyo sa mga panahon kailangan mo ng lakas at inspirasyon. At isa pa ang lovelife na yata ang pinakacomplex na bagay na pag naayus mo ng mabuti, pwede mo siyang italon ng dalawang hierarchy sa aspeto ng buhay mo, dahil pag naayus mo siya ng mabuti pwede siyang maging top 2.

Ang pangapat sa aspeto ng buhay ay ang tianatawag na friendship/friends, napansin mo bang mas mataas siya keysa sa lovelife dahil, alam naman natin na pag iniwan ka ng girlfriend mo, o lumipat ng lugar ang crush mo, hindi ka iiwan ng mga kaibigan mo lalo na't ililibre mo sila, hehehe. Madalas ang mga kaibigan mo ang magpapakilala ng katauhan mo, dahil madalas ang mga sinamahan mo eh yung mga taong kaugali mo at pareho mong magisip.

Marami rin namang classification ng friends, merung mga friends na pisikal yung tipong may batukan at suntukang nangyayari, pero wag kang mag-alala dahil ginagawa nila sa iyun just to show some love or ginagawa nila yun sa iyo pag nakita ka nilang sablay ka na. Mayroon ding friends na ayus kakuwentuhan, dahil sa dami ng experience na nangyari sa buhay nila marami na silang kayang ishare, eto ang mga masarap kasama dahil marami ka talagang matutunan lalo na pag nakainom sila. At siyempre may mga friends rin na nandyan dahil sila ang bangko mo, kahit madalas liliparin ka sa lakas ng hangin nila, aaminin mo man sa hindi sila ang isa sa nagpapadali ng buhay mo.

Pero may naidudulot rin masama ang pagkakaibigan, dahil pag mali ang group of friends na dapat mong kinabibilangan, dahil namali ka lang nung araw na kinaibigan mo sila sigurado ako na mas malaki ang epekto ng maling friends keysa sa maling lovelife.

Pero masarap pa rin magkaroon ng kaibigan, dahil sa mga tagal ng mga samahan yung kaibigan mo umaakyat rin ng hierarchy, boundary ng pangalawa, kaso di kayang tumabasan ng evolved friendship ang evolved lovelife pagdating sa aspect number 2, pero halos parang ganun na rin yun.

Ang pangatlong aspeto ng buhay ay ang studies pag estudyante ka, or work pag graduate ka na. Madalas  ang aspeto na eto ay taken for granted lang sa kadahilanang nagaaral ka para na lang makatapos, o kaya nagtatrabaho ka para na lang kumita. Pero huwag mong isipin na ganyan lang ang pagaaral o pagtatrabaho, dahil eto ang isa sa magdadala sa iyo sa taas ng hierarchy pagdating naman sa social classifications. At mahirap minsan natustusan ang lovelife, of gimik ng barkada pag wala kang pera, at lalong lalo namang di mo matustusan ang aspect number 2 pag wala kang trabaho. At additional di ka nga pala makakapagtrabaho hanggat di mo natatapos ang pagaaral mo.

Pero take note di natatatapos ang pagaaral, dahil kahit sa paglalakad mo natututo ka mas masakit nga lang pag karanasan ang nagturo sa iyo. halos parehas lang naman sila, evolved lang na pagaaral ang pagtatrabaho dahil sa pag aaral iba na ang assignments mo, eto ay ang paano kumita ng pera at magipon, at  yung paano ka makikisalamuha sa mundong ginagalawan mo. Boring man ang ikatlong aspeto pero halos eto ang pinakaimportante pag binase mo sa pangangailangang pisikal at material, at nandito rin pala ang matinding proof na isa ka sa may silbi sa mundo.

Ang panglawang aspeto ng buhay ay ang family, at eto na ang pinakamadaling isablay sa buhay dahil mas madaling mangaway ng kapamilya keysa sa iba, at mas mahirap atang sumunod sa kamaganak mo keysa sa batas trapiko. Pero wag ka, ang pamilya ang inilagay sa pangalawa dahil, napakaimportante neto. Kaya mo bang maging isang tao ng hindi ka iniluwal ng nanay mo, o di sila nagsiping ng tatay mo. Kaya mo bang mabuhay magisa habang ikaw ay isang sanggol o musmos pa lamang. Makakapag aral ka ba kung di sila nagtrabaho para sa iyo. Magkakaroon ka ba ng kaibigan o lovelife pag hinayaan ka lang nilang maging mangmang sa loob ng isang kwarto. Lahat ng sumunod na aspeto ng buhay mo from studies/work to lovelife, ay dahil sa binuhay ka ng magulang mo, pinapakain ka ng magulang mo, pinagaaral ka ng magulang mo, at binibilhan ka ng mga bagay bagay ng magulang mo.

At katulad nga ng sinabi ko ang kapamilya mo ay di lang yung mga kadugo mo, nandyan ang mga kaibigang para mo na rin mga kapatid dahil sa dalas nilang makitulog sa bahay nyo, at makikain.

At higit sa lahat pag yung lovelife ay naging seryoso, mageevolve yun, at pag nagevolve yun magiging dalawang aspeto na siya sa buhay mo, ang lovelife at ang family.

Lovelife sa kadahilanang kaya mo siya pinakasalan ay dahil mahal mo siya. At family dahil pag kinasal na kayo, malamang merun na kayong panibagong group pag dating sa family.

Ang unang aspeto ng buhay ay ang Diyos/ Sarili, nakakapagtaka at pantay ang Diyos at sarili mo, pero kung ayun iyon sa iniisip mo nagkakamali ka, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kaya ko pinantay yang dalawang yan dahil una para sa mga magbabasa neto na mga atheist, dahil sa wala silang Diyos anu pa ang kanilang pinakaimportanteng aspeto. Pangalawa kung pagbabasehan ang explanation ng philosoper na si plato at si plotinus, lahat ng thought o pagiisip ay may pinangalingan na isa pang mas malawak na entity at wala ng iba yun kundi and Diyos. Ang Diyos ang pinakaimportanteng aspeto ng buhay dahil sa kanya nagmula ang lahat, at ikaw mismo ay nagmula sa kanya.

Importante rin ang sarili, dahil pag di mo kayang mahalin ang sarili mo, di mo rin kayang mahalin ang sumusunod pang aspeto ng buhay mo. Bago ka magkapamilya, makapagaral, makapagtrabaho, makibarkada, o kaya manchicks, kailangan mo munang siguraduhin sa sarili mo na ok ka at wala kang tama, dahil kung maya tama ka sa tingin mo ba magagawa mo pa ang mga natitira.

At isa pa madalas, ang mga nawawala sa landas, napapasama sa mga maling kaibigan, nagpapakamatay dahil sa lovelife, bigo sa trabaho, at sirang pamilya ay dahil sa pagkawala ng spiritual na aspeto sa buhay. At syempre alam naman nating lahat ng ang main ingredient ng ating spiritual aspect ay ang Diyos. At madalas pag mataas ang antas ng ating espiritu kahit ano pang problemang ibato sa iyo ay kayang kaya mong lagpasan. mapalangit pa yan o sa ilalim ng marianas trench.

Ako sa ngayun, bagsak lahat ng aspeto ko. Sa Diyos ko di na ako nagogrow at nag lelevelup sa org na kinabibilangan ko, siguro nga sabi nila it's time to move on change your service to a higher bracket. Sa pamilya ko ay sobrang bagsak dahil di ko alam kung paano ko kakaharapin ang mga kapamilya ko sa ugaling merun ako. Sa studies, sa tingin ko kulang pa ang inaaral ko at sa ngayun unemployed pa rin ako. Sa friends, well eto pa lang ang medyo maayus pero balak ko na munang tanggalin para makapagmoveon ako sa buhay ko. At kung sa lovelife wag mo muna akong tanungin, pinagdadasal ko pa.





galing dito ang picture


Saturday, August 25, 2012

Funnyful NOT!!!


Dati tinanung ako ng isang pari nung retreat namin, "ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo ngayung retreat?", ang sagot ko "sana seryosohin nila ako, kasi madalas akala nila nagjojoke pa rin ako pero sa totoo seryoso na ako."

Hindi naman talaga ako ganito noon, ang natural batukan lang ako noong high school eh, napasama lang ako sa kanila sa kadahilanan na sila ang mga barkada ko simula pa nung 1st year high school at masarap pa rin naman kasama kahit masakit paminsan minsan.

Pero wag na yung high school, di maganda ikuwento eh, balik tayo sa ngayun. Hindi naman talaga ako ganito pero nagbago lahat noong college, nagsimula sa nstp, sabi lang nila na mag joke ako for ice breaker daw, tapos simula nun naging joke na ang buhay ko.

Hanggang ngayun, madalas pag nagtatanung sila at sumamasagot ako, di nila masyado seseryosohin, at madalas galit pa sila pag sumasagot ako. Ewan ko ba naretain na lang siguro yung imahe ng tao na lagi ako masaya, lagi akong may biro, pero alam ba nila na sa bawat ngiti at biro na ginagawa ko ay may halong pait at lungkot. Nakakalungkot rin lang dahil alam ko na di na darating ang araw na papakinggan lang nila ako at sasabihin na seryoso ka palang tao sana mas pinakinggan kita noon.

Ok lang naman sana kasi may mga taong makikinig sa akin, sa dami kasi ng kaibigan ko iba't ibang maskara na rin kasi ang naisuot ko para lang makisama sa kanila, kaya di ko gaano pinoproblema. At oo may makikinig sa akin kasi natry ko naman na, pero iba kasi yung marealize nung mga taong halos araw araw mong kasama na mas may kabuluhan pa ang buhay ko keysa sa kung ano ang nakikita nila.

Wala lang, naiirita na lang kasi ako na wala na akong mababago sa perception ng mga tao kung sino ako. Pero kung huhukayin mo ako at titignan kung sino at ano talaga ako, baka mabingi ka sa sobrang tahimik ng maririnig mo sa nilalaman ng utak ko at gustong sabihin ng bibig ko.

galing dito ang picture

Sunday, July 8, 2012

Women

1. Learn to work the toilet seat. You're a big girl. If it's up, put it down.

1. Sometimes, we are not thinking about you. Live with it.

1. Shopping is NOT a sport, and no, we are never going to think of it that way.

1. When we have to go somewhere, absolutely anything you wear is fine. Really.

1. Crying is blackmail.

1. Ask for what you want. Let us be clear on this one:
Subtle hints do not work.
Strong hints do not work.
Obvious hints do not work.
Just say it!

1. We don't remember dates. Mark birthdays and anniversaries on a calendar. Remind us frequently beforehand.

1. Yes and No are perfectly acceptable answers to almost every question.

1. Come to us with a problem only if you want help solving it. That's what we do. Sympathy is what your girlfriends are for.

1. A headache that lasts for 17 months is a problem. See a doctor.

1. Check your oil! . Please.

1. Anything we said 6 months ago is inadmissible in an argument. In fact, all comments become null and void after 7 days.

1. If you won't dress like the Victoria's Secret girls, don't expect us to act like soap opera guys.

1. If something we said can be interpreted two ways, and one of the ways makes you sad or angry, we meant the other one.

1. Let us ogle. We are going to look anyway; it's genetic.

1. You can either ask us to do something or tell us how you want it done, not both. If you already know best how to do it, just do it yourself.

1. The relationship is never going to be like it was the first two months we were going out. Get over it.

1. ALL men see in only 16 colors, like Windows default settings. Peach, for example, is a fruit, not a color. Pumpkin is also a fruit. We have no idea what mauve is.

1. If it itches, it will be scratched. We do that.

1. We are not mind readers and we never will be. Our lack of mind-reading ability is not proof of how little we care about you.

1. If we ask what is wrong and you say "nothing," We will act like nothing's wrong. We know you are lying, but it is just not worth the hassle.

1. I'm in shape. - ROUND is a shape.

PENCiLOID

THE PENCIL

1. BE HELD BY A HAND... it didn't say, hold on to the hand but rather BE HELD. In other words you have to trust the hand. The hand is the symbol of God, the one who is leading and guiding your life. You have to trust God completely and believe that even though things don't happen according to your plan, God is in control.

2. SHARPENING WILL BRING OUT THE BEST... Problems will always come and pain will be unavoidable, what is important is, how we handle these problems, these sharpenings. Ultimately, these sharpenings will make us strong... will bring out the best in us

3. YOU CAN ERASE YOUR MISTAKES... We will always make mistakes in life but we don't have to stay on those mistakes. We can be in a bad relationship and suffer for it, but we don't have to stay on that toxic relationsip. With God's grace and mercy, we can always be forgiven but we also have to forgive and move on and start afresh.

4. YOUR BEAUTY IS INSIDE... What makes the pencil write is the black lead inside, not the yellow piece of wood or the eraser. The essence of the person is not how she looks, talks, acts but who that person is inside. Finding the God in us is finding the beauty in us. Finding goodness also in others, will also help us find so much goodness in us. Because when we love ourselves, we easily find goodness and reason to love others.

5. ALWAYS LEAVE A GOOD MARK... someday the pencil will be consumed... someday our life will end. You don't know when, so there is no sense in saying " I will be good when I am in college or when I get married or on my next birthday" as if life is always COMING SOON and it's going to happen SOMEWHERE OUT THERE. No, life is about now and where you are. You make the best of what you have, who you are and where you are at the moment. Whether it's cartolina or scratch paper or illustration board, the pencil will always leave a good mark wherever it is used.

Saturday, April 21, 2012

Alphabet and Omegabox


April 20, 2012 para sa iba normal na araw lang ito, pero sa akin at sa iba ko pang kaklase, kamagaral, at kaeskuwela eto na yata ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay namin. Kasi sa petsang nakasaad sa umpisa nung kwento ay ang araw ng aming pagtatapos sa kolehiyo.

Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, pero bandang huli pare pareho kaming masaya, madali kaming nakapasok hirap kaming lumabas. Lahat ginawa namin para lang pumasa, prinsipyo namin ay nawala, ang tanging inaasam na lang ay makatapos at makalabas. Makalabas para sa magulang at para na rin sa sarili, para may mapatunayan at may maibakasakali

Pero sa paglabas namin masasabi na ginawa naman namin ang lahat, yun nga lang dadating rin ang punto na kailangan mo ng kumapit sa patalim, ayaw kong magmaasim at ayokong magfeeling magaling. Dahil sa anim na taon ko at lima sa kanila, ang nais ko na lamang ay ang sumunod sa mga yapak ng mga nauna.

Mga nanuna ko nang kaibigan, na masasabi kong nasa mas mataas na lugar ngayun, kunsabagay nararapat lang dahil naghirap rin sila para dun, at ngayun sila ay dahan dahan ng aabot ng kanilang mga pangarap, mga pangarap na minsan naming sabay sabay na ginawa. At sa mga pangarap na iyon kung saan nasa unang baitang na sila  at pasimula pa lang ako.

Anim na taon sa akin limang taon sa iba, sa araw na ito ako ay natuwa, dahil ang mga kaibigan ko huminto at bumaba. Bumaba sandali para ako ay samahan samahan sa araw ng aking kasiyahan. Di ko inaasahan na gagawin nila yun pero nadagdagan ang kasyahan ko ng pgkuha ko ng diploma ko ay lahat sila ay nagdiwang. Nagdiwang dahil ang isa sa mga natitira nilang kapatid at kaibigan ay sa wakas hahabol na rin sa kanila.

Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, tapos na ang buhay kolehiyo ko pero may bago na naman, at sa bago kong landas na tatahakin, isa lang ang masasabi ko salamat sa lahat ng mga naghirap, nakipagsaya, tumulong, at tumawa kasama namin. Salamat kila Lorenz, Jv, Djon, Christian, Butch, Kich, Jhena, Gelo, Donay, Wilbur, Dax, at sa dalawang sobrang malaki ang naiambag sa aming pagpasa si Plong at Janjan, sa uulitin maraming maraming salamat :D

Anim na taon sa akin, limang taon sa iba, mahaba-haba pa ang landas na tatahakin ko pero kakayanin ko. At sa pagtatapos ng isang yugto ng aking buhay ay sigurado naman akong may kasunod naman na ito. At lahat naman na ng ginawa ko at gagawin ko pa lang ay inaalay ko sa aking Diyos na sobrang tinulungan at minahal ako. Dahil sa kanya kaya ako nandito nagpapasalamat, sa lahat ng mga ginawa nyo sa buhay ko. Hanggang sa muli maraming salamat po.


Congratulations ECE batch 2012!!!

galing dito at dito ang picture