Sa tunog palang nung title tagalog na tagalog na ang dating, well di naman ako magaling talaga sa english eh, kaya nga almost lahat ng nasa blog ko tagalog, pwera lang yung araw na tinopay ako, at yung iba kuha sa ibang forums.
Balik tayo sa balintataw ...... hmmmmm, ano nga ba ang ibig sabihin ng balintataw, well sabi sa akin ng mga kaibigan ko sa google translate, ang balintataw daw ay ang pupil ng mata, sabi naman ng mga kaibigan ko sa eskuwelahan ang balintataw ay glimpse ng isang alaala, kung alin dun sa dalawa, bahala na basta ang bumabagabag sa aking isipan yung mga balintataw noong buhay pa tatay ko.
Ewan ko paano ang nangyari, nagbabasa lang ako ng manga(komiks ng hapon) tapos may isang eksena na talagang bumasag sa puso't isipan ko, na naisip ko kung paano kaya kung buhay pa tatay ko, ano kayang buhay ko ngayon at ano kaya ang ginagawa naming mag-ama.
Madalas sa mga palabas, pag may isang ulilang tao tapos nakakakita siya ng mga taong kumpleto ang pamilya, nalulungkot siya at syempre durog ang puso nya. Kung sasabihin mo sa palabas lang yung ganoon, pwes nagkakamali ka dahil kahit magsesecond year college na ako nung namatay yung tatay ko, masakit pa rin sa puso ko ang makakita ng isang mag-ama na sabay na nag bibisikleta, nag gigitara, magkasama sa lakaran, nagdodota, at marami pang iba. Kahit hanggang ngayon may kurot pa rin sa puso ko pag nakakita ako ng isang tatay na kalaro ang kanyang anak, ang sinasabi ko na lang sa sarili ko sana ingatan nila ang mga alaalang iyon. Kasi sa maikling panahon nyong pagsasaa ang alaalang iyon ang tanging matitira pag nawala na sila.
Naalala ko tuloy ang tatay ko, dati tuwing nangyayari yun naiiyak ako, ngayun hindi na masyado nakapag-moveon na kaya ako, ewan, o kaya naubos na lang ang lahat ng luha ko nung huling retreat, o kaya natuyo lang dahil sa kakaisip netong second sem.
Marami kaming alaala ng tatay ko, pero lahat yun kaya ko ko na lang buuin pag nakita ko yung mga larawan dito sa bahay, at yung alaala ng tatay ko na naiwan sa isip ko isa na lang at yun yung kung paano siya namatay sa harap ko, isang napakasamang eksena, pero di ko namabura sa isip ko. kahit yung graduation ko nung hig school hindi ko na maalala, pati yung mga labas namin di ko na maalala, at sigurado ako kung wala yung picture ng tatay ko sa bahay tiyak di ko na rin mailalarawan ang tunay na itsura ng tatay ko. Pero masuwerte pa rin ako, dahil kahit papaano may konting alaala na bumabalik balik sa akin pag napapaisip ako ng malalim, kasi yung kapatid kong apat na taong gulang pa lang nung namatay yung tatay ko, sa tingin ko di nya na masyadong nakita kung paano naging tatay, ang tatay ko.
Sa totoo lang napakarandom netong entry ko ngayon, siguro gusto ko lang talagang umiyak, pero ayaw na ng utak ko kaya isinulat na lang niya sa blog na ito, para kahit papaano nailabas niya ang linalalaman ng puso.