Wednesday, March 30, 2011

Usapang Tae!!!

Tutal nakapagpost na ako ng tungkol sa mga shits, edi pagusapan na natin ng literal ang tungkol sa pagtae, pagihi at kung anumang puwedeng gawin sa banyo, at yung banyo mismo para masarap at di ka magutom.

Kung bakit ko naisip ang tungkol sa banyo, ewan ko kung paano, basta ang ginawa ko lang ay jumingle sa isang public restroom, sa isang public school, sa isang pampublikong lugar.

Sa sinasabi kong restroom (tandaan restroom ang ginamit ko at hindi comfort room), sigurado ako hindi ka papasok dun ng hindi ka talaga, natatae, naiihi, o nadapuan ng libog may kasama man o wala. Sa restroom na sinasabi ko papasok ka palang sigurado ako kailangan mo na ng mabigat na sipon, o kaya sangkatutak na bulak sa ilong para magkaroon ka ng tapang na pumasok. At pagpasok mo sigurado ako magagampanan na niya ang tunay niyang motibo, bilang isang restroom, dahil pag nagkaroon ka man ng tapang na pumasok sa loob sigurado ako doon ka na mamahinga dahil sa sobrang baho, dumi. At hindi lang yun, tipong ang dating pa ng restroom na yun ay pang shake rattle and roll kahit umaga kasi madilim at yung iban inidoro ay sira, ay yung pader naihian ng lalaki corroded na ng ihi, at isa pa walang gripo at lababong matino, either may basag yung lababo o putol yung gripo.

Natatandaan ko pa nung mga oras na iyon, may mga plano na ako kung saan ako mag siC.R. dahil lima yata banyo dun sa groundfloor nung eskuwelahan, pero sa nasabing mga banyo yung pinasok ko na ata, ang banyo na white lady lang ang lalabas, kasi sa iba mukhang mga kampon na ni satanas ang makikita mo.

Ang nasabing eksena ng mga C.R. ay hindi lang limited sa nasabing eskuwelahan, dahil kahit saan ka magpuntang public C.R. sigurado ako restroom ang makikita mo dahil talagang ganoon ang itsura nila, nakakaurong ng tae, nakakawala ng tapang, at nakakadurog ng dignidad. Kahit pa yung may mga bayad na restroom para daw mamentain, hindi pa rin kayang tapalan ng mukha nung "tagalinis" yung itsura at condition ng nasabing restroom. Dahil baboy pa rin ang gumagamit pati yung C.R. nabababoy at nagiging restroom.

Kung bakit ko napupuna tong mga bagay na to dahil simple lang, para kasi sa akin ang banyo ang pinakasagradong lugar sa loob ng bahay sunod sa altar o anu mang lagayan ng iyong poon. Ako ang tao, na pag nagpupunta sa isang lugar, sinisugarado ko muna kung saan ko makikita ang may pinakamaayos na C.R. Kahit sa mga outings ang una kong chinecheck ay yung C.R. at hindi yung pool o beach o session halls. Pag nagpupunta rin ako sa bahay ng kaklase ko o mga kakilala ko tuwang tuwa ako pag yung C.R. nila pang hollywood at syempre kahit hindi pang hollywood basta may tubig, may timba, tabo, bidet(mas maganda), at malinis na kapaligiran. Sa tingin ko naman lahat tayo gusto ay ganoon na tipong pag nagbabawas ka ng bagay mula sa iyong katawan, ay yung tipo talagang para kang nasa heaven at hindi yung tipong nagmamadali ka dahil baka makita mo si satanas.

Ang pinagtataka ko lang bakit, karamihan pa rin ng tao pag nakakita ng magandang C.R. binavandalize, pag may tubig inuubos na darating sa point na pati yung gripo nauubos. Yung tissue at mga liquid soap ninanakaw, yung iba ginagawang tirahan, at worse ginagawa talaga nilang parang templo ni satanas. Naalala ko pa noon nasa probinsya kami para sa isang conference/camping, syempre ang mga restroom sa mga ganoong events ay madalas portalet so alam mo ng kadiri yun, at syempre dahil gusto namin ng magandang taehan at para makaligo na rin, naghahanap kami ng bahay na puwedeng mapakiusapan kahit bayaran na lang. Sa mga bahay na napupuntahan namin, napakasimple ng C.R. nila walang pinto, semento ang paligid at hindi nakatiles, isang inidoro lang, at balde ng tubig o drum alng ang kasama mo pero makikita mo na talagang ginagawa ng may-ari ang lahat ng kanyang makakaya para maging maaliwalas ang ambiance neto, at masasabi ko kahit ganoon itsura nun mapapanata ang loob mo, dahil alam mong C.R. ang pinasok mo at di restroom.

Sa tingin ko disiplina ang kulang sa mga ganoong tao, pero hindi rin eh, instinct na dapat ang gumagana pag tinawag ka ng kalikasan eh, siguro marami lang talaga sa atin ang sadyang baboy. Kaya ako, eto maglilinis na ng banyo ko kasi malapit na siyang tubuan ng kamote sa dami ng lumot.

Tuesday, March 15, 2011

T.H.S.

Tandang, tanda ko pa noong high school para akong si valle ng grupo namin, pag nagkamali may batok at pag pumalag batok ulit, pero malaki ang pagkakaiba namin dahil kaya kong manggago ng teacher, at kapwa estudyante kahit di ako lasing.

Pero, intro lang yan, dahil ang tunay kong istorya ay tungkol sa kolehiyo, bagamat matagal tagal na  ito, dahil tong kuwento ko ay 2006 pa, masasabi nating applicable pa rin pag pinagsama-sama mo ngayon.

Sa isang klase di nawawala ang mga grupo, at syempre sa isang klase di lang isang grupo ang naroon, madalas marami, dahil syempre magsasama-sama muna ang mga magkakaugali at magkakakilala. Pero  bandang huli nagiging isa rin, kasi marami ang nawawala at kailangan na rin talagang magkaisa kahit pilit.

Ano ano nga ba ang classifications ng grupo sa klase namin, ano ang tawag sa bawat grupo, ano ang kanilang ambag sa klase, at ano ba ang mangyayari sa kanila. malamang di mo alam ang sagot, kung alam mo man malamang either, nakadaldalan na kita o kaya magaling ka lang talagang mag analyze, di tulad ko. Sa mga susunod mong mababasa nais ko lang iparating sa iyo na kung kasama ka sa grupo na ito wag mo na lang damdamin dahil masakit talaga, hehehehehe.

Eto ang listahan, sumabay ka na lang (take down notes para di makalimutan)

1. LRT BOYS - eto ang grupo na nangangamba pag inabot ng gabi ang uwian, dahil malamang sa malamang di nila maabutan ang last trip. Eto rin ang pinaka core group ng mga lalake sa klase pag dating ng panahon, dahil nandito sa grupong eto ang pinakagago sa klase, at nandito rin ang pinuno na si jollibee. Sa grupo na ito bawal ang pikon, dahil pag napikon ka asar talo ka ng isang linggo hanggang isang buwan.
members: Jollibee(pinuno), Gori(gago), Panot(tatay ng klase), Mata(answer sheet ng klase)

2. Chikiting Patrol - eto ang subgroup ng LRT boys, bagama't lagi silang kasama ng LRT boys, di kasi sila sumasakay ng LRT noong mga panahon na iyon madalas sila ay naka jeep. sila ang mga tahimik na tao pero pag bumanat yari ka. Dahil kasama sila ng LRT boys bawal rin sa kanila ang pikon.
members: Chikiting(boy sta. ana), Hellboy(tanungan tungkol sa computer), Aso(taga planetang chupol)

3. Rizal Boys - eto ang grupong kinabibilangan ng mga taga angono at taytay, sila rin ay subgroup ng LRT boys ngunit nakasali lang talaga sila nung 2nd sem na noong 1st year college kami, isa rin sila sa promotor ng kalokohan, at madalas ako ang biktima. sa grupo nila bawal din ang pikon dahil member sila ng LRT boys.
members: RVD(emo boy), MaOcho(pogi ng klase punggok lang), Kuya kim(Ang may pinakamasipag na tatay)

3. INC(grupo ni penpowered) - eto ang grupo na kinabibilangan ng mga magagaling,artistahin,kwela, at mga kulang sa hulog. eto ang grupo na nasa likod lagi ng klase dahil mayroon silang sariling mundo at bihira mo lang silang makakausap lalo na yung mga kulang sa hulog, pwera lang yung lider nila si penpowered dahil marami kang matutunan sa kanya(*kindat) pag nakausap mo siya, kaya madalas kakausapin mo talaga siya.
members: Penpowered(idol), Bong Revilla(basta bong revilla), Smiley Face(di siya sumisimangot ever), Hercules(anak ni zeus, at kapatid ni aphrodite, dat irin siyang member ng THS), BF ni Smiley Face(ang natatandaan ko lang siya nag pauso ng crispy batok)

4. Ang kambal - eto ang grupo na binubuo ni kabayo kid at ni banana cutter, maganda na sana ang samahan na ito dahil sa kanila mo makikita ang lahat, masipag, matalino, mabait, kwela, at matinik sa chicks, subalit nabuwag din ito pagkalipas ng mahabang taon.
members: kabayo kid(basta malakabayo siya), banana cutter(bading to may dahilan ng paghihiwalay nila ni kabayo kid sa takdang panahon)

5. T.H.S.(trying hard shits) - eto ang grupong nag stick sa kanilang pangalan, ang trying hard shits. Sa grupong eto makikita ang lahat ng babae sa section namin, at sa grupo rin ito makikita ang mga trying hard na pogi/maganda na feeling cool, mayayabang at mga ubod ng kapal ang mukha in short mga trying hard shits nga. Dati rin akong kasama sa grupo na ito, pati si hercules at kasama dati dito, pero di kalaunan napansin ko na paulit ulit ang nangyayari sa kanila. Dumating ang point na sila na mismo ang nagtatalo talo. Sa grupong ito makikita ang mga taong , pipilitin ka nilang gawin ang mga bagay na maganda sa paningin nila, kahit pangit sa iyo. Sa grupo ring ito ang may pinakamalakas na crab mentality, at pinaka magaling magstraw sa klase. nandito rin sa kanila ang mga feeling boss, at feeling close. Bagamat sa paglipas ng panahon ay magkakawatak-watak sila nanatili pa rin sa kanilang dugo ang pagiging THS, or thanks. Kahit masama ang imahe nila sa grupo namin may mga nagagawa pa rin silang maganda dahil sila ang mga nagtetextpass ng mga activities sa klase, hanggang dun lang. katulad ng LRT boys nahahati rin sila sa subgroups: The Girls and The Boys
members: janno(pinaka THS sa mga THS), winnie the pooh(mabait sana, kaso. slow at bulag kay janno), boy yabang(over rated ang mga banat), floodway(wala sa hulog pag naginit ang ulo), taba(matabang babae na pa cute at nakakairita), ulo(malaki ang ulo), waway(may laway sa kamay), GMA(kasing height ni PGMA), babski(matabang lalake), sunog(pinakabarbero sa klase, kaya ayun alam mo na ang nangyari), at si Madam(parther ni boni sa resmeth)

6. the other THS - kabilang sila sa mga THS, kaso may malaking problema hindi nila tunay na dinidisplay ang katangian ng isang THS so hiniwalay ko sila, sila yung mga tahimik sa klase, madalas wala, pero overall masasabi kong anlaki ng lamang nila sa mga pure blooded THS. Sila ang mga unang mawawala sa THS pagkatapos namin ni hercules.
members: Boni(dahil tagadoon siya), holy(alam mo na pag binuo), right(eh opposite lang), Sesame street(mukha siyang bumbay kahit hindi)

7. The others - sila ang mga taong kinalimutan na ng klase, dahil kahit wala sila parang ok lang at yung iba sa kanila di talaga tumagal kahit first year lang. sasabihin ko na ang tunay nilang pangalan dahi di naman sila gaanong mapapansin
members: alex big(pag lumakad to, umaalog literal ang sahig), atanacio(sino nga ba siya, naalala ko lang kamukha niya si glock 9), remonte(ewan, di ko na matandaan), santos(isang gwapo, at makisig na tao, kahawig nya si aga mulach, pag di naligo ng 10 taon), alex small(pinakamatanda sa klase at pag nagsalita siya palagi siyang nag rarap)


Ang mga grupo na ito ang bumubuo ng klase namin nung 1st year, pero di kalaunan ang iba ay nag merge na ng tuluyan, at ang iba ay nagkawatak watak na. Marahil napagtanto tanto na rin na kailangan na ring magkaisa dahil sa dami na ring taon na magkakasama, at dami ng recollection at retreat na pinuntahan. Marami rin ang mga nadagdag sa klase na galing sa ibang lugar at eskuwelahan na nag transfer sa aming eskuwelahan. May mga evolutions na nangyari sa mga grupo sa paglipas ng panahon, pero ngayun namnamin nyo muna kung sino silang lahat bago nyo malaman ang mga evolutions, kasi mas masarap malaman ang basics.

Friday, March 11, 2011

way back dec 25, 2008

Wala ba kayong napapansin kung bakit sa panahon ngayon ang employers na ang umaayaw sa mga workers at hindi ang mga workers ang umaayaw sa hirap ng trabaho. Isa lang ang dahilan nyan, ang efficiency ng mga pinoy sa trabaho ay pababa na ng pababa. Kasi di man natin pansin pero mas marami tayong ina-allot na time sa tsikahan at kainan keysa sa pagtatrabaho. May isang example nga na binigay yung teacher ko kung paano ang ginagawa ng isang typical pinoy employee. Una syempre alam naman natin ang pasok ay 8, syempre bago pumasok nyan bili muna ng meryenda o kahit anung makakain para prepared. Syempre minsan late pa yan mga dating mga 8:15-8:30. Tapos pagdating sa office syempre masaya nagkitakita ulit kayo chikahan syempre kahit araw araw kayong magchikahan ayos lang kasi araw araw rin may bagong chismax, at syempre yung kwentuhan aabot ng mga 9:30. Syempre Pagtapos ng chikahan time na for break so kakain kayo, 15 mins break yun, so simula 9:30 mga matatapos yung break ng 10:30. Pagdating ng 10:45 tsaka ka pa lang uupo sa cubicle mo. Pagdating mo sa cubicle mo syempre dahil magtatrabho ka na aayusin mo na yung mga dapat na gagamitin mo sa work mo so aabot ng mga 11:45 kasi maarte ang mga pinoy gusto organized. tapos pagdating 11:45 tsaka pa lang mag-oon ng Computer tapos syempre sakto pag naayus mo na lahat 12 na kaya time for lunch break na. Pagdating ng lunch break syempre magga-gala pa kayo. So mga 2 kayo babalik ng office at syempre it's time to work. kaso pagdating ng mga 3:15 break na naman required kasi yun sa opisina magkaroon ng tatlong break. So kwentuhan ulit at kainan, ang balik mo mga 4 na. By the time na bumalik ka syempre trabaho ulit. Pero pagdating ng 4:30 syempre dahil 5 ang uwian mo dapat ayusin mo na ang gamit mo so by 5 ready to go ka na diba ang galing!!! yan yan ang problema mas nauuna pa ang chikahan at kainan keysa sa work na inabot lang ng 1:30 hrs. Di mo ba napansin sa ibang bansa regarded ang pinoy na pinakamasipag kasi wala tayong chika at ang kain ay three times a day lang talaga so efficient ang trabaho nila walang naaksayang oras. so kung ganun siguro dito sana mas maraming investors ang nandito kahit na malaki ang gagastusin nila sa pagsusuweldo sa tao. diba